◄Ezekiel's POV► Tinawagan ko na si Genevieve ng ilang beses... paulit-ulit pa, just to let her know na baka hindi muna ako makauwi for the next few days. Pero ni isang beses ay hindi niya sinagot ang mga tawag ko. Hindi man lang nag-reply sa mga messages ko, as in wala. Goddammit, nasaan na ba siya? Anong ginagawa niya? Bakit parang ang hirap niyang kausapin ngayon? Hindi ko maintindihan kung sinasadya ba niya o busy lang talaga siya, pero come on... she could have at least picked up the damn phone and said something. Kahit simpleng okay lang. At least, alam ko na okay lang siya. Hindi katulad nito, hindi ko masabi kung okay lang ba siya, o hindi. But then... that’s when it hit me... may sakit nga pala si Genevieve kagabi. Damn it. Baka tumaas na ang lagnat niya, kaya hindi siya sumasago

