┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ano ang nangyari sa dalawang babae na 'yon? Sayang at hindi ko nakita ang hitsura nila. Sa inyo kasi agad ako nakatingin. Maganda pa naman ang mga katawan nila, pero mukhang may mga saltik sa kanilang utak." Sabi ni Ezi ng lumalapit ito sa kanyang mga ka-meeting sa lugar na 'yon. "Hindi ko rin alam. Nagulat na lang kami ng bigla nilang isinubsob ang mga mukha nila sa buhangin. Ang gaganda pa naman nila... sobrang gaganda, bro. Pero mukhang kulang yata ang turnilyo sa kanilang utak. Kaya siguro hindi kami pinapansin dahil may mga tililing." Sabi ng isang lalaki na tumawag kila Genevieve ng tumakbo na ang mga ito pabalik sa loob ng hotel. Pagkatapos ay nagkatawanan silang lahat. "Grabe ka naman bro sa may tililing. Baka naman nabigla ng makita si Ezekiel at hindi kinaya an

