-Continuation- Genevieve's POV Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kumakabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako at huwag ko na lang iangat ang mukha ko para hindi nila makita ang mukha ko. "Genevieve anak, magmano ka sa tita mo, best friend namin sila ng daddy mo. I'm sure naaalala mo ang magkapatid na kambal, hindi ba?" Hindi ako makasagot sa sinabi ng aking ina. Hindi rin ako nag-aangat ng aking ulo, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kambal, at lalong hindi ako makapaniwala na si Ezi ang nakatakdang ipakasal sa akin. Hindi ko maintindihan kung biro ba ito ng tadhana sa akin, dahil kung totoo ang lahat ng ito ay hindi ko yata magugustuhan ang kapalarang naghihintay para sa akin. Humugot ako ng malalim na paghinga ng marinig kong muli ang sinabi ng a

