Ezekiel's POV "What the hell, Dad! Nakikita ba ninyo ang hitsura ng babaeng ipapakasal ninyo sa akin, ha? My god naman! Gagawin ninyo akong katawa-tawa sa harapan ng maraming tao niyan eh!" Galit ako, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Oo totoong six years ago ay masyado akong na-guilty dahil sa nagawa ko nuon kay Genevieve, but that was six years ago pa at sinubukan ko naman na mahanap siya at makontak upang makahingi ako ng patawad sa nagawa ko. Pero mula nuon ay binura na niya ang mga social media niya kaya wala ng paraan pa para makahingi ako ng tawad sa kanya, hanggang sa nakapag move on na ako at kinalimutan ko na ang mga nakaraan ko na pambubully ko sa kanya. "Siguro naman enough na 'yung nagsisi ako for six years sa nagawa ko, hindi ba? Pero ang ipakasal ninyo ako sa kanya ay

