Tahimik ang hakbang ni Alyssa habang paakyat sa hagdan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nanginginig ang mga daliri niya. Sa bawat hakbang, mas lalong bumibigat ang dibdib niya. Pagdating sa ikalawang palapag, saglit siyang tumigil. Ang pintuan ng kanilang dating kwarto… nakasara pa rin. Walang ipinagbago. “Kung gusto mong makita, nandiyan pa rin,” mahinahong sabi ni Liam mula sa likod niya. Humigpit ang hawak ni Alyssa sa railing, bago dahan-dahang iniabot ang kamay at pinihit ang seradura. Bumungad sa kanya ang amoy ng lumang kahoy na matagal nang sarado. Sa loob, halos walang nagbago. Ang mga libro niya ay maayos pa ring nakalagay sa istante. Ang mga sketch pad na halos puno ng mga guhit at pangarap na iniwan niya noon, nandoon pa rin. Sa gilid, nakasabit pa ang lumang card

