Maagang gumising sina Sky, Snow, at Callum. Halos hindi na nakatulog sa sobrang excitement. Sabay-sabay silang nag-ayos ng gamit at nagtanong pa kung kailangan bang magsuot ng pormal. “Hindi na,” sagot ni Alyssa habang inaayos ang buhok ni Snow. “Magpakatotoo lang kayo. Basta huwag ninyong kalimutan ang rules ko.” “Anong rules ulit, Mommy?” tanong ni Callum. “Makikinig kayo sa akin sa lahat ng oras. Kapag sinabi kong tapos na, uuwi tayo. At higit sa lahat—magiging magalang kayo.” Sabay-sabay silang tumango. “Yes, Mommy.” Eksakto sa oras dumating si Liam. Nakasuot siya ng dark slacks at polo, neat pero hindi sobrang pormal. Halatang pinipigilan ang kaba habang papalapit. Pagkakita ng triplets, sabay-sabay silang tumakbo. “Daddy! Ready na kami!” sigaw ni Sky, sabay abot ng maliit na ba

