Ang tahimik na hapon sa Tagaytay ay tila kabaligtaran ng tensyon na bumabalot sa loob ng villa. Malamig ang simoy ng hangin, ngunit mainit ang kaba sa dibdib ni Sera habang pinagmamasdan si Alyssa na nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling mirror. Ilang taon na ang lumipas, pero ngayon lang niya muling nakita ang ganitong klaseng determinasyon sa kaibigan niya — o baka, hindi na nga ito ang dating Alyssa na kilala niya noon. Tahimik si Alyssa habang inaayos ang cuffs ng kanyang suit. Wala na ang dating mahiyain at sunud-sunurang babae. Ang kaharap ni Sera ngayon ay isang babae na muling binuo ang sarili sa gitna ng pagkawasak, sa ibang bansa, sa ilalim ng ibang pangalan. “Seryoso ka na talaga?” tanong ni Sera, pinipigilang maging emosyonal. Hindi agad sumagot si Alyssa. Sa halip, tumingin

