Hemira II 50 - Kalaban na ang Turing "Magkakaroon ng matinding kaguluhan sa isang mataas na lugar! Dadanak ang napakaraming dugo at marami ang mawawalan ng buhay dahil sa nawala muling kahapon!" - matandang babae sa isang pamilihan malapit sa bayan ng moderno. ~Tagapagsalaysay~ Isang napakalakas na kulog ang dumagundong sa buong lugar. Nasa ere pa rin si Yohan habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa panibagong kalaban na humarang sa kaniya ngunit hindi ito panibago sa kaniyang paningin at lalong-lalo na ay hindi ito isang kalaban. May hawak itong malaking karet na kulay itim at itim din ang kasuotan nito. Wala pa ring mga salitang nais lumabas sa kaniyang bibig dahil sa labis na hindi pagkapaniwala. Nakatingin ito nang matalim sa kanya. Tumabi si Mades dito at ngising-ngisi i

