Hemira II 34

4152 Words

Hemira 34 - Modernong Bayan ~Hemira~ Nagkasiksikan na dahil sa mayroong dumaang magandang reda (carriage) sa gitna ng daan. Napalayo ako nang kaunti sa pwesto nila Yohan at mukhang hindi naman nila napansin ang aking pagkalayo dahil sa reda sila nakatingin ni Euvan. Mayroon akong napansin na lumilipad sa aking itaas kaya napatingin ako kung ano iyon. Isang paru-paro. Iyon ang napakagandang paru-paro na nakita namin kahapon habang kami'y naglalakbay. Lumipad iyon papunta sa isang direksyon at naenganyo ako na sundan iyon. Kahit na nagsisiksikan ay lumuwag na sa pwesto ko dahil nakaraan na sa amin ang reda. Sinundan ko kung saan iyon lumipad Ngunit mayroon akong nakabanggang isang lalaki kaya naman nawala roon ang aking atensyon. "Ano ka ba?! Hindi ka man lamang tumitingin sa iyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD