"Nakita mo na ba na mangyayari 'to?" nagkibit balikat ako with pilyong ngiti dahil sa tanong niya na pakunwaring nang-iinis ako. Kahit nakatakip ang mukha ko ng scarp , ngumiti ako na parang tnga.
Bumaba 'yung tingin niya sa naputol na walis nung bruha.
May nilagay 'yung guy sa tainga niya, "Hm, nandito na ako sa area. Hindi ang half witch ang nandito" mukhang may kausap siya through earphones na nasa taenga niya.
"Naiintindihan ko, Kuya Mikael" pangalang nagpataas ng balahibo ko.
Binaba na niya na ang kamay niya kaya sa tingin ko putol na ang linya nila ng kausap niya. "By Mikael, you mean M-Mikael Saviano?" tanong ko kahit na gusto na umurong ng dalawang paa ko.
Tumango siya.
Kusang napaatras ang paa ko. Wa~ katapusan ko na...
"Malapit lang daw siya dito sa Kendel kaya on the way na siya" dugtong niya.
Sh*t, sh*t, sh*t - -
"pila calidus" may isang napakabilis na puting spear na kala mo ay kidlat ang bigla nalang bumagsak mula sa itaas na diretsong bumaon sa katawan nung bruha na hindi nagawang makapagreact sa bilis ng atake. Napalingon ako sa lalaking bigla nalang din bumagsak mula sa itaas. Pagkalapag niya sa lupa, nilingon niya kaagad ang bruha sa harap niya.
"Haha, r-reinforcement?" nakangiting sabi ng bruha habang nasusunog na ang katawan niya na handa ng maglaho anytime-- anywhere~.
Nangingiti na ako nang maramdaman ko ang tingin ni Mr. Student Council President, "Anong plano sa dalawang biktima?" boses ng isang babae sa likuran.
Sabay pa kaming lumingon ni Mr. Student Council President sa likod niya, "Kailangan nilang mag undergo ng counsiling" Zhara ... Ha , nandito rin ang Vice President? ..
"W-wait, okay lang kami. Wala namang nasaktan sa amin..!" natatarantang pag-awat ko kahit na 'yung kaibigan ko sa likod ko ay napapabuntong hininga na.
"Kailangan din naming malaman ang mga nangyari" woah, ang cold ng mga tingin niya.
"Hindi ba kayo tumatanggap ng written report? hehe"
"Base sa uniform niyo, estudyante kayo sa Hanover Academy. Magpapadala kami bukas ng letter sa chairman ng Hanover Academy para ma-excuse kayo bukas" nilingon ko si Mr. Student Council President na mas matangkad sa akin kaya para akong inabandunang tuta nung tingalain ko siya, "May exam kami bukas. Major subject" kahit wala naman~
Nilingon niya pa ang President bago nagpatuloy, "Sa susunod na araw. Oh kung gusto niyo, kami nalang ang pupunta sa Hanover Academy?" wah~ it's a trap ...
"Si Cedric na ang bahala sa kanilang dalawa. Babalik na tayo sa Magenta, Zhara" pagtalikod sa amin nung dalawa at nagsimulang maglakad palabas ng eskinita.
Nagkatinginan kami nung Cedric, "Gusto mo ba ng madaming trabaho? Ayaw mo bang magpahinga?" panimula ko.
"Part ng rules ng Magenta ang pag-undergo ng counseling ng mga victims" straight to the point niyang sabi.
Hindi nga ako victim~ huhu
Nagbuntong hininga ako dahil sa alam kong hindi ako mananalo sa debateng 'to. "Bakit hindi nalang natin simulan ngayon para makapagpahinga na tayo kinabukasan?" at ngumiti ulit ako na parang tnga.
Pero ngumisi siya, "Report ko muna ang aayusin ko then kinabukasan nalang tayo magkita. Mukhang hindi ka nga natrauma dahil sa nangyari kaya sa tingin ko okay lang na hindi tayo magmadali sa counseling mo" at nagsimula na siyang maglakad palayo.
"Waa~ lagot nanaman ako kay Dren kapag nalaman niya 'to"
"Paano pa kaya kung malaman ni Walter?" kana ni Avvian.
"Thank you sa pagcomfort ah? Highly appreciated"
Pinat niya pa ang balikat ko ng isang beses, "Tara na, unahan mo na si Dren kay Walter"
"Hmm..." matamlay na sagot ko dahil alam kong ito nalang ang natitirang paraan para kahit 10% lang ng sermon ni Walter ay mabawasan.
Kinabukasan para kaming sikat na artista sa classroom namin dahil sa nangyari. Kesyo buti raw at buhay pa kami, malamang, Stacey ata 'to.
"Anong plano mo? Hindi ka dapat matapak sa Magenta kahit na anong mangyari" umupo siya sa tabi ko. Binaba niya naman ang dalawang cola sa pagitan namin.
Gamit ang dalawang palad ko, puno ng galit ko na dinurog ang noda crunch ko. "Kung hindi natin maiiwasan 'yung Cedric na 'yon, bakit hindi nalang natin iligpit?" pagkadurog ng noda crunch, binuhos ko kaagad ang powder nito at hinalo.
Nilabas niya ang matatalim niyang kuko, "Gusto mo ako na ang gumawa ng trabaho?" at ito ang mga hindi biro na tono niya.
Binaba ko ang kamay niya at nilagay ko sa kamay niya ang cola, "Uminom ka nalang, ane?"
Tumingala ako para magbuhos ng noda crunch sa walang tigil kong bibig. "Tingin ko magiging okay lang naman ang lahat. Nandun din ang mga kapatid ko, kung mamamatay man ako, gusto ko sa kamay---" biglang paglapag ng napakalakas ni Avvian ng can ng cola sa harap ko.
Kulang nalang ay sumabog na 'to paglapag niya, "Mamamatay muna ko bago ka nila mapatay"
"Ano pang sense ng mamamatay ka muna bago ako mamatay? hahaha. Parehas din tayong mamamatay, mauuna ka lang. Ayaw mo bang sabay nalang tayo?"
And with that, sumabog na nga ang can ng cola, "Hindi ako mamamatay kaya hindi ka rin mamamatay"
Tumango-tango ako para pagaanin ang loob ng nanay niyo, "Opo, opo"
Matapos ng break bumalik narin kami sa classroon. Then after ng klase, palabas palang kami ng gate, tanaw ko na ang kakaibang uniform. Halos magkumpulan narin ang mga estudyante sa gate. Naki-osyoso kami, syempre.
Pagkalabas namin mula sa crowed, si Cedric ang bumungad. Tatalikod na ako nang magtama ang tingin namin, wa~ wala akong scarp.
Imbis na scarp, itinaas ko ang slingbag ko para ipangtakip sa angelic kong mukha. Nagulat naman ako sa malaking kamay na nagbaba nito, "Hindi mo na kailangang magtago" at may dalawa siyang folder na itinaas para ipakita sa amin.
"Hawak ko na ang student profile niyong dalawa. Sumunod kayo sa akin"
ano pa nga bang magagawa namin. Pero hindi ako basta-basta susuko!
"Wait..!" at tumigil kaming tatlo.
"Papayag lang akong magpa-counseling kung hindi sa Magenta gaganapin ang counseling..!"
"Okay" walang pagdadalawang isip niyang sagot na nagpataka sakin at umikot ang tingin niya sa paligid, "May malapit na coffee shop dito. Dun nalang tayo mag-usap" hindi na niya hinintay kung papayag kami o hindi, basta nalang siya naglakad kaya sinundan nalang namin siya ni Avvian.
Pumasok kami sa isang coffee shop na kaunti lang ang tao. Dahil sikat ang Magenta at walang basta-basta nakakapag-aral sa school na 'yon, maraming naaamaze sa mga taong katulad ni Cedric, PERO hindi ako kabilang sa mga taong 'yon.
"Student Council ka pala?" paninimula ko pagkalapag niya ng mga simpleng pagkain.
"Wala ako sa harap mo ngayon kung hindi ako student council" aba, aba, nanghahamon ata talaga to?
"Wala rin sana kami rito kung ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo bilang isang hunter?" at sinabayan ko 'to ng pagsandal ko, humigop pa ko ng mainit na kape sa katiriktirikan ng araw atsaka ko siya tinignan. Nagtama naman ang tingin namin.
Pero maya-maya, ngumiti ang loko, "Mukhang kailangan mo nga talaga ng counseling? sure ka bang walang brain damage na nangyari sa'yo?"
Gumanti rin ako ng ngiti, "Ako sigurado akong wala akong brain damage, ikaw sigurado ka ba sa brain mo?"
"Mukhang marami kayong oras?" pamamagitan ni Avvian na nakaubos na ng kape.
Haha! makuha ka sa tingin ng isang Avvian, Cedric!!! HAHA!
"Please lang din, Stacey, tapusin na natin 'to at marami pa tayong schoolworks na kailangang gawin" paglipat ng buong attention niya sa akin kaya nawala ang mga demonyo kong ngiti.
Nilapag ni Cedrick ang dalawang form sa table, "8 sessions ang kailangan niyong i-undergo"
"8?"
"Sa 8 sessions na 'yon, nakadepende kung ipagpapatuloy mo ang another 4 sessions dahil equivalent 12 sessions ang kailangang i-undergo ng mga katulad niyo"
Natahimik ako habang nakatingin sa form at nandun narin ang name ng counselor na mag-a-assist sa amin at ang name ng protector na magpoprotekta sa amin hanggang sa matapos ang counseling. Tinignan ko ang form na hawak ni Avvian, wait, magkaiba kami ng councelor at protector ni Avvian?
Binalik ko ang tingin ko kay Cedric na may pilyong ngiti matapos kong mapagtantong pangalan niya ang nakalagay sa form ko, "Well, ako ang naka-assigned na magpoprotekta sa'yo hanggang sa matapos mo ang counseling mo, Ms. Stacey"
Hindi ko po kailangan ng protector, baka ako pa magprotekta sa protector ko.
TBC