CHAPTER 1: The Lone Wolf
Mabilis kong hinablot ang isang malaking scarp at binalot ko 'to sa ulo ko. Inayos ko 'to in a way na natatakpan din ang ilong at bibig ko at tanging mata ko nalang ang natitira. "Ano nanamang kalokohan 'to, Stacey?" nginisihan ko lang si Avviana na napakasama na ng tingin sa akin.
Avviana, kaibigan ko since birth. Hindi pa nagtatagpo ang landas namin, napagdesisyunan na ng tadhana na magkaibigan kami hanggang kamatayan.
"Kailangan ko rin ng pera" at napabuntong hininga siya. "Kapag naabutan ka nanaman ng mga kapatid mo. Ewan ko nalang" kasunod ng pagtago niya sa pabalik sa dilim.
Nakarinig ako ng mga boses mula sa labas ng eskinita kaya kaagad kong chineck kung okay na ang outfit ko. Then, "Gusto niyo bang malaman ang hinaharap niyo?" bungad ko bago pa nila malagpasan ang eskinita.
Mabilis kong nakuha ang attention nila. Ang una kong tinignan ay ang bilang nila and, dalawa sila, mukhang tiba-tiba tayo ngayon.
Base sa unique uniform na suot nila, same sila ng school na pinapasukan ng mga kapatid ko. Jackpot tayo, Stacey. Mayayaman 'to..!!!
"Manghuhula?" Tanong ng babae.
"H'wag na tayo magsayang ng oras sa isang peke" sabi naman ng lalaki at syempre sinong hindi maiinis kapag tinawag kang peke?
Oy, legit 'to boy.
Sa inis ko napatayo ako.
Ibinaliktad ko ang barahang nasa harapan ko. Kinuha ko 'to at naglakad ako papalapit sa kanya. Hindi naman umatras ang loko kaya hindi na ako nahirapan. Pagkalapit ko, handa ko ng ipasok ang card sa bulsa ng polo niya nang hawakan niya ang wrist ko, "Anong ginagawa mo?"
Hindi ko siya pinansin. Gamit ang kaliwang kamay ko, ipinaikot ko ang kamay niya papunta sa likuran niya na ikinabigla niya.
Napigilan ko ang movement niya. "Makinig ka. This is a matter of life and death"
Ipinasok ko sa bulsa ng polo niya ang card na hawak ko at tinapik-tapik ko ito.
"Mag-iingat ka ah"
Niligpit ko ang mga abubot ko sa table. "Tara na, Avvian" tsaka ko sila tinalikuran.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinakinggan ko nalang din ang footstep nila na papalayo sa amin.
"Pera na naging bato p--" putol kong sabi matapos may humatak ng scarf na nakabalot sa mukha ko.
"Ano ba?! Akala ko ba ala kang pake sa peke—" pagharap ko napatigil ang walang tigil kong bunganga dahil sa lalaking tumambad sa harap ko.
"Yo, Dren, ahehe" pawave ko pang galaw ng kamay. "Anong ginagawa mo rito? Hehe" dugtong ko pa.
Inayos niya ang salamin niya sa mata. Wala kasing sumasapo, de joke meron naman pero hindi ganun kalakas yung kapit.
"Ang akala ko ba itinigil mo na 'to?" Nakita niya pala ang nangyari kaninaaaa.
Tumaas hanggang dibdib ang dalawang kamay ko at nagsimulang maglaro ang dalawang hintuturo ko kasunod ng pag-iwas ko ng tingin sa kanya, paawa points. "Hehe, gusto mo hulaan kita for free?"
"Bakit hindi ako ang manghula sa magiging kapalaran mo pag-uwi natin sa bahay, ha, Ate Stacey?" at ito na nga ang evil smile niya. Huhu.
"Sinubukan ko siyang pigilan, pero hindi siya nagpapigil" pagsabat ni Avvian na alam na simula palang na nandito si Dren.
Hoy~ di mo ako pinigilan ... huhuh
Napabuntong hininga si Dren, "Sabay na tayong uuwi"
"Y-Yes sir..!" walang pag-aalangan kong sagot with pa-salute pa 'yan. Kaysa makaladkad ako pauwi hindi ba?
"Bakit umuwi ka? Akala ko sa linggo pa ang uwi niyo ni Bren?" tanong ko habang naglalakad kami pauwi.
Si Dren at Bren, ang tinuturing kong mga kapatid kong kambal na second year na ngayon. Dati ang cute-cute nila, ngayon hindi na nakakatuwa.
"Ayaw mo ba kaming umuwi?"
"H-hindi naman sa ganun. Nabibigla lang ako. ahehe"
"Lobat ang cellphone ko kaya hindi na ako nakapagmessage. Naiwan din si Bren sa school dahil sa mga projects na hindi pa nila napapasa"
"Projects? haha, nagpauto ka naman sa batang 'yon. Paniguradong nasa bar nanaman 'yon. By the way, okay lang bang hindi ka sumabay pauwi sa mga kaklase mo kanina?"
"Hm. Mas natatakot ako sa mga kalokohan ng kapatid ko"
"Grabe ka ~"
Binuksan ko na ang gate ng bahay pero tumigil si Avvian, "Bukas nalang uli, Avvian" at tumango siya bago kami talikuran.
Pagpasok namin sa loob, laking ginhawa ko nang wala kaming madatnan ni isang tao sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko which is kaharap lang ng kwarto ni Dren at Bren. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at gusto ko na antukin dahil sa lambot nito.
"Anong nakita mo at bakit matter of life and death ang sinabi mo kanina?" rinig kong boses ni Dren sa kabilang kwarto.
Niyakap ko ang unang pinagsusubsuban ko ng mukha ko, "Dalawang line of life ang nakita ko... mahaba ang isa habang maiksi naman ang isa..."
"Hmm....?" At halatang hindi niya naiintidihan ang sinabi ko.
"May bruhang mangingialam"
"Witch?"
"Hindi normal na bruha"
Narinig ko ang footstep niya papasok ng kwarto ko. "Kapag nalaman ni Papa at kuya na pasikreto kang nakikisalamuha sa mga estudyante ng Magenta baka magrounded ka na. Napakadelikado para sa'yo ang Magenta"
Sinubsob ko uli ang mukha ko sa unan, "Pero kasama ko sa bahay—— mga estudyante ng Magenta"
"Iba kami, iba sila. Paano kung malaman nila na isa kang witch? gusto mo ba na sarili mong mga kapatid ang tatapos ng buhay mo?"
Inikot ko paharap ang katawan ko at tinitigan ko ang kisame,
Hm, isa akong witch ... habang si Dren at Bren, pumapasok sa Magenta, ang school specialised for witch hunting.
Matagal ng nabubuhay ang mga witch sa mundo na 'to. Aware rin ang mga tao sa existence nila dahilan para mabuo ang Magenta. Nangunguna ang Magenta sa skills enough para tapatan ang mga witches. Well, originally mga tao parin ang mga hunters. Nagkakaroon lang sila ng mga supernatural abilities dahil sa elixir na gawa ng Magenta.
At ang household na 'to ay puno ng estudyante ng Magenta, wondering kung bakit nag-aaral sa Magenta si Dren at Bren? Para daw DAW magkaroon sila ng lakas para maprotektahan ako. Actually, sa household na 'to, kaming dalawa lang ni Mama ang witch, pero ngayon... ako nalang.
"Magluluto na ako ng dinner pagkatapos kong maligo. Maligo ka na rin, nangangamoy ka na. Bakit ba kasi sa mga eskinita ka pumupunta?"
"Sige hanap mo akong bagong lugar"
"Pasalamat ka ako ang nakahuli sa'yo" at sinarado na niya ang pinto ng kwarto niya.
Dahil sa sermon ng NAKAKABATA kong kapatid, mas pinili ko nalang matulog.
At kinaumagahan, dumiretso ako kaagad sa lamesa pagkagayak ko. Napansin ko na si Walter lang ang nandito at si Avvian na mas maaga pa kaysa sa tilaok ng manok.
"Nasan si Dren, Walter?" pag-upo ko sa lamesa at pinaglapagan naman ako ni Avvian ng plato na may nakaprepared na sandwich. Yeah, sandwich for a witch.
"Kanina pa siya umalis" sagot ni Walter kaya napalingon ako sa pinto subo-subo ang sandwich na gawa ni Avvian.
Okay, it's time to shine~
"Aalis na rin ako, Walter!" binitbit ko na ang bag ko pagtayo ko.
"Mag-iingat kayo!" pahabol niya bago kami tuluyang makalabas ng bahay.
After class, dumiretso kaagad kami sa eskinitang pinagtambayan namin kahapon. Pagkarating namin, hinanap ko kaagad 'yung card na tinapon ng loko. Card ko 'to kaya alam kong binalewala niya 'to kahapon nung talikuran na namin sila.
Matapos non, dumiretso na kami sa Magenta. Since hindi kami estudyante rito, hindi rin kami nakapasok. As if naman ding gusto kong pumasok. Suicide lang?
Iniwan namin ang Magenta, pumunta kamin sa lugar na nakita kong pangyayarihan ng insidente.
Tahimik lang kaming naghintay. Nakasandal si Avvian sa pader habang ako nakaupo sa lapag at nagdodrawing sa lupa.
Hinintay ko ang tamang oras at tumayo narin ako. Hindi kalayuan, tanaw na ang loko. "Magtago ka muna, Avvian"
CEDRIC'S POV
Mag-isa lang akong naglalakad pauwi dahil may kanya-kanya kaming project na kailangang tapusin.
Nasa kalagitnaan ako ng tahimik na paglalakad nang makarinig ako ng boses mula sa earphones sa taenga ko, "Cedric, sa kanan mo! Mag-iingat ka!" boses ni Cess.
Pero bago pa man ako makalingon sa kanan ko, sumalubong sa itaas ko ang dalawang kakaibang maliit na matulis na bagay.
Isa lang ang tumakbo sa isip ko, hindi ko maiiwasan 'to.
"Napapala ng mga batang hindi nakikinig" pamilyar na boses ng babae mula sa kaliwa ko. Bago ko pa siya malingon, humarang sa harap ko ang isang mabilis na pagdaan ng isang pamilyar na card na sumapo ng dalawang matutulis na bagay.
"Hindi ko kailangan ng thank you" kasunod ng pagtalikod niya at pagpasok sa malapit na eskinita.
Bago ko pa man siya masundan, napigilan ako ng boses ni Cess.
"Isang half witch, kaya kaunting Mahika lang ang naramdaman sa area. Okay ka lang ba, Cedric? Nakatakas man ang witch, safety parin ng mga hunter ang isa sa mga priority ng Magenta"
half-witch? Half-human? , tanong na gumugulo sa isip ko pagkapulot ko ng isang butas-butas na card na nasa lapag.
Tbc ~