Story By _JaeDi
author-avatar

_JaeDi

ABOUTquote
Instead of trying to make your life perfect, give yourself the freedom to make it an adventure, and go ever upward. -Drew Houston Join me on this adventure!
bc
White Owl
Updated at Aug 19, 2023, 23:36
Nang dahil sa isang pagkakamali, walang nagawa si Stacey kung hindi ang mag-aral sa isang kilalang paaralan, ang Magenta. School specialised for witch hunting, but for her, it is a place that could lead to her death, as her true identity is a witch! A witch hunting a witch without exposing her true identity!
like
bc
SWITCHED
Updated at Aug 8, 2023, 17:57
Arvin Boreanaz, isang kilalang malakas na tagapaglingkod ng Hari gamit lang ang sandata--- at Karim Davila, isang estudaynteng nabubuhay gamit ang mahika. Anong maaaring mangayari sa oras na ang dalawang kaluluwa ay magkapalit ng katawan? Kaya bang mabuhay ni Arvin Boreanaz gamit ang mahika, at kaya bang panindigan ng isang estudyang katulad ni Karim Davila ang napakabigat na position ng isang napakalakas na warrior na nabubuhay gamit lang ang sandata? Mahahanap ba nila ang mga kasagutan sa tanong nila ng magkasama o haharapin nila ang bukas bilang isang kalaban?
like
bc
The Dungeon that Specially Made for Veichleo Vali
Updated at Oct 5, 2020, 07:31
Bakit nga ba nagiging duwag ang isang tao? Dahil takot silang masaktan. Isa na duon si Veichleo Vali, isa sa mga Wizard na lalaban para sa mundo at para mailigtas ang napakaraming buhay, dahil sa isang pagkakamali kung ituring niya ay natakot siyang lumaban ulit, pero wala siyang choice kung hindi ang piliting lumaban. Dahil ang punot dulo ng lahat ng 'to ay walang iba kung hindi siya. Ano nga ba ang pagkakamali na nagawa niya? Ayun ba ang dahilan kung bakit nabuo ang impyerno sa mundo nila?
like
bc
The Runaway Masked Princess of the Two World
Updated at Oct 5, 2020, 00:08
Paano nga ba kung ang kalahati ng dugong dumadaloy sa katawan mo ay ang dugong kinasusuklaman ng maraming tao, maging ang sarili mong kapatid? Si Prinsesa Celestia, siya ay isang kalahating Daimon o kilala bilang isang masamang tao. Dahil sa itim na apoy na tanging ang mga Royal Blooded na nagmula sa Infernos, ang mundo kung saan naninirahan ang mga Daimon ay nagkaroon ng giyera mula sa pagitan ng mga Daimon at ng mga tao sa Homunibos at ito ay tinawag na Dark Morning dahil sa kasikatsikatan ng araw ay sobrang dilim ng kapakigiran dahil sa Itim na Apoy na sinasabing huling Apoy ng Hari ng Infernos. Ang laban ay pinangunahan ng mga Daimon dahilan para matalo sa laban ang mga tao sa Homunibos. At ang Dark Morning ang sinasabing huling araw ni Prinsesa Celestia sa totoong kaanyuan niya dahil umalis siya ng Palasyo upang takasan ang paghihiganti ni Prinsesa Hestia na kanyang kapatid sa kanya. Iyon nga lang ba ang dahilan niya kung bakit siya umalis? At ito ang trabaho ngayon ng isang Prinsipe, si Prinsipe Chrysheight. Ang hanapin si Prinsesa Celestia . Kasama sa kanyang paghahanap ang isang Royal Maiden na dapat ay kanang kamay ngayon ni Prinsesa Celestia, si Ruri. At dinala sila ng kanilang mga paa sa isang akademyang puno ng hiwaga. Dito makikilala nilang dalawa ang dalawang babaeng nababalot ng isang madilim na sikreto, Ito si Aihara at Eurika. Sa kanila natuon ang attention ng Prinsipe matapos nilang malaman na silang dalawa ay ang dalawang baguhan sa akademya matapos maganap ang Dark Morning. Nagkasundo ang dalawa na labanan nila ang Prinsipe upang mapatunayan na hindi sila ang hinahanap nito, sa gitna ng laban, nagpakita si Prinsesa Hestia. At dito pinapakita nila Aihara at Eurika na may malalim silang koneksyon sa nawawalang Prinsesa.
like