PROLOGUE 01
"Tinanong niyo ako minsan, kung para saan nabubuhay ang lakas ko" hindi ko inalis ang mga tingin ko sa mga mata niyang direct ding nakatingin sa'kin, "Hindi nagbabago ang sagot ko"
Sumandal siya sa malapad na sandalan ng inuupuan niya at nagpatuloy naman ako sa pagsasalita, "Hindi ko mapoprotektahan ang mga taong nais kong protektahan, kung uupo lang ako at magbibigay ng mga command. Hindi ko kailangan ng taong magpoprotekta sa'kin at mas lalong hindi ko kinakailangan ng mga taong handang mamatay para sa'kin"
Mas naging seryoso ang mga tingin niya. Nararamdaman ko ang mga pinipigilan niyang mga ngiti. "Kung ganuon, Arvin. Hindi sapat ang pagiging General mo para maprotektahan mo ang mga nais mong protektahan. Kung hindi mo nais na tanggapin ang pinili kong hinaharap para sa'yo, anong klaseng hinaharap ba ang nais mong marating? Anong klaseng posisyon ba ang ninanais mo na sa tingin mo ay mapoprotektahan mo ang mga tao?"
Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya kahit na hindi ko malaman ang sagot sa tanong niya.
Pero ngumiti siya na nagpawala ng bigat na nararamdaman ko, "Hindi magbabago ang desisyon ko, Arvin. Ikaw ang magmamana ng posisyon na mayroon ako sa oras na hindi mo mahanap ang sagot sa tanong ko"
Binibigyan niya ako ng pagkakataon.
Yumuko ako.
"Maraming salamat, King Gaillard"
Sa muling pagtaas ko ng ulo, hindi parin nawawala ang mga ngiti niya. "Paniguradong hinihintay ka na ng mga Generals. Oras niyo 'to para ipagdiwang ang pagkapanalo niyo sa laban. Congratulations for giving us another victory, Captain Arvin"
May galang akong yumuko ulit bago ko siya talikuran.
Victory... Hindi defeat ang kakambal nito kung hindi, death.
Sa oras na matalo ka sa isang laban. Hindi ka lang matatalo, kung hindi maaaring buhay mo ang maging kabayaran nito.
"Ang gloomy mo, Arvin. Saan ka ba galing?" pagkasalubong ko kay Aliyah pagliko ko ng corridor.
"Gumawa ako ng Elixirs at Potions" tipid at pagsisinungaling kong sagot.
"Para namang kailangan mo ng Elixirs and Potions" bulong niya.
Nilingon ko lang siya pero ngumiti siya. "Well anyway, it's nice to see you alive"
"Hm.." at ang mga ngiti niya, naging pilyo. "Well, as if naman sa mundong 'to may makakatapos ng buhay mo" nagbuntong hininga siya,
"Kung mayroon man, siguro magkaibigan na kami ngayon"
"Ganun mo nalang ba ako gustong mamatay?"
Nung una, natatawa siya dahil sa naging sagot ko pero ngumiti siya ng totoo kasunod ng pag-iling ng ulo niya, "Hmm, simula nung nakilala kita, hindi pa kita nakikita na lumalaban para sa sarili mong buhay. Nagiging desperado ka para sa buhay ng iba. Kaya naman napaisip ako kung may takot ka pa bang mamatay o nagpapakamanhid ka nalang"
Dahil sa seryoso niyang facial expression, pinat ko ang ulo niya at napahinto kami sa paglalakad. "Trabaho natin ang protektahan ang mga tao, kahit kapalit pa nito ang buhay natin. Hindi ako mamamatay at wala akong hahayaan na mamatay"
Pinilit niyang ngumiti para sa'kin at tumango siya dahilan para hindi ko mapigilan ang pagbuo ng ngiti sa labi ko. "Hindi ikaw 'yung tipo ng taong napakahaba ng mga sinasabi" bulong niya.
"Hinihintay na tayo nila Leo" nauna na akong nagpatuloy sa paglalakad pagkatango niya.
"By the way, Arvin. Naaalala mo pa ba 'yung unang Mahika na nagamit ko? Nakita ko ang diary ko nung bata ako" excited niyang sabi kasunod ng pagsabay niya sa lakad ko.
"Mahika?.." tanong ko naman.
"Hm! Ang sneak attack na nadiscover ko nung bata ako. Kung hindi mo natatanong, hawak ko ang buong lupain, this world is my beloved nursery. Kaya kong magtago sa ilalim ng lupa"
Nilingon ko siya pero puno ng excitement ang mukha niya, "Kailan ka pa naging bulati?" at binilisan ko ang lakad ko.
"Humpf, tignan nalang natin sa susunod nating sparring. Magugulat ka nalang sa mga Mahika ko na lilitaw sa ilalim ng lupa" nakapout niyang sagot.
"Hmmmm" tanging naiasal ko at hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko.
KARIM'S POV
"Karim! Masyado mo ng inaabuso ang katawan mo! Palihim ka nanaman bang mag-eensayo?!" hindi ko pinansin si Leerin na hapos na hapos na sa paghinga habang ako, patuloy na tumatakbo.
"H-Hoy Karim! N-Nakakalimutan mo na.... bang may laban pa tayo bukas?!" sigaw naman ni Celia na mas pagod pa kay Leerin.
"Wala akong pakialam! Hindi naman mababago ang katotohanan na talo tayo!" napipikon ko ng sabi pero nangiti ako at napasuntok ako sa kamao ko, "Pero hindi rin mababago ang katotohanan na ito na ang chance ko para makalaban si Vann"
"Huh?! Gusto mo bang mabugbug ng buong A?!" sigaw pa ni Celia.
"Heh! Wala akong pakialam, ang mahalaga makaganti ako sa kanya" hinarap ko silang dalawa nang marealised ko na sinusundan parin nila ako. "Ano ba! Hanggang kailan niyo ba ako susundan?!"
"Saan ka ba kasi pupunta, Karim?" kalmado at punong pag-aalalang tanong ni Leerin.
"A-ano bang pakialam mo...?" bulong ko at may tumama sa ulo ko na patpat.
Paglingon ko, sumalubong sa'kin ang nanggagalaiting mga tingin ni Celia, "Nag-aalala si Leerin para sa'yo. Kung ako kaya ang unang bumugbug sa'yo hah?!"
"A-ano ba ang pakialam niyo....." mahina kong sabi at sa pagkabatong-pagkabato sa'kin ni Celia ng tangkay, siyang pagkarinig namin ng sigawan.
Ang mga boses na 'to, mga Section A?
"Tumawag kayo ng mga instructors" utos ko sa dalawang babaeng nasa likuran ko at tumakbo na ako para alamin ang nangyayari.
ARVIN'S POV
Sa pagpasok namin sa loob ng isang kwarto, nanduon si Leo at Miguel, "You're finally back" nakacross arm na sabi ni Leo na nakaupo na sa table kaharap si Miguel
"Ah! Leo!, nag-umpisa na kayo?" mabilis na lumapit si Aliyah sa kanila.
Nagsip si Leo ng wine na nasa glass niya, "Saan ba kasi kayo galing?"
Nagsalin si Leo sa dalawang glass na kaagad inabot sa'min. Pagkahawak ko palang sa glass ko, naramdaman ko na 'to kaagad.
"Woah, look. Full moon ngayon!" kaagad tumakbo papunta sa bintana si Aliyah. Lahat sila napatingin sa napakalaki at bilog na buwan na unti-unting nagbabago ang anyo, "W-wait, l-lunar eclipse?"
Napatigil silang lahat at tumahimik ang paligid. Sa tuluyang pagharang ng mundo sa liwanag na nagmumula sa araw, duon ko napagtanto.
Kahit gaano ka pa kabuti, may mga taong nais ka paring mawala sa mundo.
Nilingon ko si Miguel matapos niyang marinig ang pagkalansing ng glass na hawak ko dahil sa singsing na suot ko. Nagtama ang tingin namin, tinignan ko siya in a way na gusto kong mabasa niya ang laman ng isip ko.
"Bago ko inumin 'to, gusto kong malaman ang dahilan mo" seryoso pero mahina at kalmadong sabi ko at kaagad niyang nilingon si Aliyah at Leo na hindi gumagalaw.
"P-paano..."
Hinalo ko ang wine, "Paano huminto ang oras o paano ko nalaman na ikaw ang naglagay ng lason sa baso na 'to?" nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkabigla.
"Para sa unang tanong, hindi ko alam ang sagot. Pero opportunity narin 'to para makausap kita. At para sa pangalawang tanong, minaliit mo ata ang senses ko, Miguel"
Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako, "Gusto mong maangkin ang position ko bilang Captain" at nararamdaman ko na totoo nga ang mga sinasabi ko dahil sa mga tingin niya kaya naman hindi ako nagdalawang isip na inumin 'to.
"B-bakit--" putol ko sa kanya.
"Kailangan ko ng proweba sa pagtatangka mo sa buhay ko. Kung papalarin ka, baka isa ka pa sa maglibing ng bangkay ko. Pero sa oras na mabigo ka na mapatay ako gamit ang lason na 'to, alam mo ang magiging kabayaran mo" pero ang totoo, parang gusto ko lang takasan ang mundong 'to.
Pero alam ko naman ang katotohanan, hindi ako sa simpleng lason mamamatay.
"K-kung makaligtas ka man-- Kahit ilan pa ang buhay mo, ganuong beses din kitang papatayin" sinubukan niyang maging matapang kahit bakas naman sa aura niya ang takot niya.
Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Napakainit nito na parang sinusunog ang loob ko. Hindi ko rin mapigilan ang dugong lumalabas sa bibig ko.
Sa pagbagsak ko, siyang paglingon sa'kin ni Leo at Aliyah na nagsimulang makagalaw.
"Arvin?!" natatarantang tanong ni Leo pero tanging ngiti lang ang naisagot ko pagkasapo niya ng ulo ko.
Hindi ko narin mapigilan ang pagpikit ng mga mata ko dahil pakiramdam ko, namamanhid ang buong katawan ko.
KARIM'S POV
Sa lakas ng Mahika na nararamdaman ko mula sa lugar na pinagmumulan ng sigawan, ramdam na ramdam ko ang lakas ng presensya ng kalaban kahit na D-Rank lang ako.
At ang nadatnan ko, mga sugatang Section A at dalawang Basilik. Mga uri ng halimaw na mistulang malaking ahas. At sa likod ng mga A, isang napakalalim na bangin.
"M-Magus Enchantment" pag-ayos ko ng flow ng Mana at Magic sa katawan ko.
"Hah, S-Section F? Anong matutulong mo dito? Dagdag isipin ka pa" sabi ng isang A student. Dahil sa sinabi niya, unconsciously kong naatras ang paa ko.
Dahil nawala ang focus ko sa laban. Sa sumunod na pagwagayway ng buntot ng Basilik. Nahagip ako nito kasama ng ilang A students. Sa lakas ng pagwagayway niya, parang may napakabigat na bakal ang tumama sa katawan namin. Bago pa man kami bumagsak sa lupa, hinampas ng isang Basilik ang buntot niya na sumira sa lupang pinagbagsakan namin, dahilan para tuluyan kaming mahulog sa bangin.
Sa sobrang sakit ng katawan ko ang tanging nagagawa ko lang, pagmasdan ang napakadilim na kalangitan. Duon ko lang napansin ang buwan na nagbago ang kulay dahil sa eclipse.
Paglingon ko sa likod ko, siyang pagsalubong ng hangin sa'kin.
Dito na ba ako mamamatay?
Hindi, ayaw ko pa. Gusto ko pang mapatunayan na malakas ako-- na kaya ko silang higitan.
ARVIN'S POV
Sana, sa kakaunting oras na pagtulog ko... mahanap ko ang sagot sa tanong ko.
Paano ko matutulungan ang mga tao sa buong mundo kung napakaliit lang ng lugar ang sakop na napoprotektahan ko?.....