THIRD PERSON’S POV 1 week na ang nakakaraan at hindi na nagpakita si Axel sa kanila. Wala silang alam kung saan ito pumunta. Bumalik na rin si Hyacinth sa bahay nila. Pero.. Lagi siyang Tulala. Lagi siyang umiiyak. Wala siyang ganang kumain. Hindi siya masyadong nagsasalita. Hindi rin siya gaanong lumalabas ng kwarto niya. Hindi rin siya kumakausap o tumatanggap ng bisita. Hindi nila alam kung ano ba ang dahilan kung bakit nagkakaganun si Hyacinth. Kung dahil bas a pag-taksil ni Axel sa kanya. O dahil sa pagkatakwil ni Hyacinth kay Axel. Sina Jam at JC ay nasa sala ng bahay nina Hyacinth kausap ang magulang ni Hyacinth. Nag-aalala kasi sila kay Hyacinth. Habang nag-uusap sila ay may isang tao ang pumasok sa bahay nina Hyacinth na talagang ikinagulat nina Jam. “Nabalitaan ko ka

