THIRD PERSON’S POV Nasa garden ng Hospital sina Hyacinth at Axel ngayon. Hindi pa kasi nakakalabas ng Hospital si Hyacinth dahil chineck pa siya ng mga doctor niya. Pero bukas pupwede na talagang siyang lumabas. Nakatakip ang mata ni Hyacinth ng isang panyo. Susurpresahin kasi siya ni Axel. Icecelebrate nila ang 3rd Monthsary nila na hindi natuloy. Ipinaliwanag na rin ni Axel kay Hyacinth ang mga nakita niya. Dahil sa may tiwala si Hyacinth kay Axel ay naniniwala siya dito. Pinaupo ni Axel si Hyacinth sa upuan na merong round table at may mga pagkain. Inalis niya ang piring ni Hyacinth. Nabigla si Hyacinth dahil sa paghalik sa kanya ni Axel. “Belated Happy 3rd Monthsary Lucky Girl” sabi ni Axel kay Hyacinth sabay bigay ng isang heart balloon na merong LG and LB sa gitna. “Belated Hap

