CHAPTER 1: ENCANTADIA
AMULET POV
"Prinsesa Amulet, asan na po kayo!? " mangiyak ngiyak na boses ni Muyak.
" Prinsesa pakiusap magpakita na po kayo!!! Magdadapit hapon na mahal na prinsesa at kailangan na po nating umuwe! " dinig ko pang pakiusap ni Muyak mula sa kapatagan.
Si Muyak ay isang mahusay na diwata sa larangan ng pagiging tapat na gabay at isa rin siya sa mga may kakayahan na mangalaga ng mga halaman ngunit dahil siya ay isa sa nakatakdang maging aking tagabantay ay sa akin lamang siya nakaantabay. Siya ang napili ng aking liwanag ng ako'y isinilang, na nangangahulugan na siya ay aking magiging gabay at katuwang habang ako ay nabubuhay. Hindi nila inaasahan iyon dahil si Muyak ay apat na taon pa lamang at ang inaasahan nilang sasalo ng aking liwanag ay dapat isang ganap at bihasa ng diwata kaya napagpasyahan ng aking magulang na lumaki si muyak sa aking tabi at ako lamang ang kanyang pangangalagaan.
Wala pang nakakaalam na ako'y nakakalutang sa ere maliban kay Muyak na alam kong may-alam naman siya. At ako lamang ang nabubukod tangi sa lahat ng mga diwata na narito na walang pakpak ngunit nakakalipad ng matayog at pinapalibutan ako ng hanging nagniningning tulad ng ginto, na parang apoy. Alam kong namana ko ito sa aking ina na tinataglay ang elemento ng hangin mula sa kanyang kinanununuan.
Ang mga diwata sa kagubatan ay may mga ordinaryong pakpak tulad ng mga salagubang. Ang diwata sa tubig na tinatawag na serina/serino ng mga tao ay may magandang kaliskis at palikpik tulad ng isda at nagagawa nilang magkaroon ng paa kapag silay nasa lupa, ang diwata naman sa apoy ay tinatawag na saltilmo na nakakatalon ng mataas tulad ng bola at ang mga diwata sa hangin ay may pakpak tulad ng bulak. Ang lahat ng normal na diwata ay hindi ganoon kalakas ang kanilang kapangyarihang taglay hindi tulad ng mga maharlikang diwata. Sa madaling salita ako ay kakaiba sa lahat ngunit aking inililihim sa hindi ko pa malamang dahilan. Dahil siguro ako'y malihim at makulit.
At tulad ng mga kaibigan kong mga ibon, paru-paro at lahat ng nakakasalamuha ko sa kalawakan ay malaya akong nakakasabay sa kanilang paglipad ng walang hirap at waring akin ang himpapawid.
Kailan ko lamang natutunan ang kakayahan kong ito ng mahulog ako sa bangin dahil sa hinahabol ko ang bagong salta sa aming kaharian. Ito ay ang makulay na paru-parong si mabini na nagmula sa kabilang mundo kung saan ay malaya rin akong nakakatagos sa sagradong lagusan ng hindi nararamdaman ng aking mga magulang.
Kailan ko lang rin natutunan na kontrolin ang tubig na parang tuwang tuwa na sumusunod sa gusto kong mangyari. Ito ay kakayahan ng aking ama na alam kong dumadaloy sa aking dugo. Kung tungkol naman sa lupa ay normal na sa aming mga diwata na maharlika ang kakayahang magpalago tulad ng kay Muyak.
At ang alam ng aking mga magulang ay ako ang nakakuha ng kapangyarihan sa larangan ng buhay sa lupa na nasa dugo ng aking ina mula sa nakakatandang Reyna na si Inang Danaya at Amang Habagat na kanyang magulang. Kaya kung buhayin ang mga halaman sa lugar na kung saan ay napabayaan na sa isang iglap lamang. Nahasa ko na ang taglay kong kapangyarihan dahil mabilis kong natapos ang lahat ng hakbangin upang palakasin ito kung kayat hinahayaan ako ng aking ina at ama na magliwaliw sa buong kaharian. Malaya ko ring nahahasa ang iba kong kakayahan.
Malakas rin ang aking mga pandama. Nakikita ko ang mga lamgam mula sa himpapawid tulad ng agila. Naririnig ko ang mga nasa paligid ko tulad ng panike, naamoy ko ang mga nais kong malanghap, mabilis kong malaman kung anong halaman ang mga pulot na aking naiinom at pagkaing aking natitikman, at mabilis kong malaman kung magbabago ang panahon sa pagdampi lamang ng hangin sa aking balat.
Ang bawat diwatang maharlika ay nagtataglay lamang ng isang kapangyarihan, ngunit dahil sa mahiwaga ang aking katauhan ay ako lamang ang nakakaramdam nito at ang aking gabay na si Muyak. At alam kong mayroon pang natutulog na kapangyarihan sa aking katauhan na ayaw ko pang magising.
Sagrado ang aming kaharian. Anak ako ni Reynang Amihan at Haring Orlok. Mayroon akong dalawa pang nakakatandang kapatid na sina Prinsipe Oceano na taglay ang kapangyarin ni ama at Prinsipe Inerya na tinataglay naman ang kapangyarihan ni ina.
Ang mga magulang ko ay pinaglalaanan ng pansin ang dalawa kong kapatid kung saan ay hinahasa nila ang mga kakayahan ng mga ito para sa paghahanda sa hinaharap.
At ayon sa aking kaalaman ay paghahanda ito sa kaligtasan ng aming tahanan at mundong aming inaalagaan, ang mundo ng mga tao laban kay Prinsipe Empetus na tinataglay ang kapangyarihan ng apoy. Siya ang pinsan ng aking Ama na itinakwil ng aming kaharian dahil sa masama nitong hangarin. Ang pagharian ang dalawang mundo na kailanman ay hindi maaaring mangyari dahil kaming mga diwata ay nakalaan lamang upang balansihin ang likha ni Bathala.
Dahil isa akong makulit na maharlikang diwata ay may mga kakayahan akong lihim kong sinasanay. Kaya kong kausapin ang hangin at mga likas na yaman at waring ako ay kanilang sinasamba, kaya naman ang katapatan nila ay nasa akin. Kaya kahit ang aking ina at ama ay walang kaalam alam tungkol sa aking kalukuhan.
Kaming mga diwata bukod sa taglay naming kapangyarihan sa bawat elemento na pangalagaan ang kalikasan ay tinataglay rin namin ang walang humpay na kagandahan. Lalo na ako bilang nag-iisa na maharlikang prinsesa. Nabubukod tangi ako sa lahat ng mga maharlikang kababaihang diwata.
Ang normal na diwata ay likas na may kagandahan. Maitim at bagsak mahahaba ang buhok. May maitim na mata, matatangos na ilong at magagandang kutis at gayun rin sa mga diwatang kalalakihan. Kawangis rin kami ng mga tao sa kabilang mundo kung sa pisikal na hitsura. Kaming maharlika naman ay malapit sa kulay na ginto ang aming buhok na nangingintab at bagsak rin ngunit ako parin ay kakaiba dahil tulad ito ng alon sa dagat, at ang aming mga mata ay kulay abo ngunit ako lamang ang naiiba, at ito ay kulay luntian na nagniningning tulad ng tubig sa batis na sinisikatan ng araw.
Kakaiba din ang aming kasuotan kung ihahalintulad sa normal na diwata na kulay puting tela lamang ang suot na yari sa likas na yamang aming inaalagaan. Kaming maharlika ay binabalutan ng nanginginang na sedang kahit sa mundo ng mga tao ay di mo makikita. Ang kulay ng aking balat at kakaiba rin sa lahat ng maharlika at normal na diwata. Ang paniniwala nila ay dahil sa ngayon lamang na pinag-isa ang tubig at hangin kaya ako ang naging produkto.
Parang isang niyebe ang kulay ng aking balat. Perlas na kumikinang kung ako ay masaya at kapag ako naman ay malungkot ay nagiging ordinaryo ito tulad ng normal na diwata. Ang aking labi ay kulay rosas at ang ilong ko naman at tulad rin ng kay Muyak. Ang mga buhok naming mga diwata ay napapalamutian ng mga bulaklak na kusang namumukadkad na animoy may buhay kapag nasa aming buhok, dahil siguro sa dama nilang kami ang kanilang daluyan ng buhay.
"Prinsesa Amulet!!!!! Oras na upang umuwe!!!!! Pakiusap!!!!! Magpakita na po kayo!!!! " walang humpay paring sigaw ni Muyak kaya naman dahan dahan na akong bumaba at lumapag sa kanyang likuran.
Iwinasiwas ko ang aking kamay at mula sa mga naggagandahang mga bulaklak ay hinandugan nila ako ng mga talulot nila na sumayaw sa himpapawid kasama ng mga dahon at isinabog ko kinaroroonan ni Muyak na ikinagulat nito at dama ko ang t***k ng kanyang puso na masayang masaya.
"Muyak maligayang kaarawan sayo!!!! " pagbati ko sa kanya.
"Mahal na prinsesa, maligayang kaarawan din po sa inyo! " kasabay ng kanyang masayang pagbati ay pinuno niya ng mga alitaptap ang aming paligid.
"Hito, tanggapin mo. " at inaabot ko ang isang buto ng halaman na aking natagpuan sa kabilang mundo na ibinigay sa akin ng matandang usa sa bundok ng makiling.
Tama kayo. Si Mutya ay dalawampu't dalawang taong gulang na at ako naman ay labing walong taong gulang na sa dapit hapong ito.
Kaming mga diwata ay hindi nabuo sa loob ng sinapupunan ng aming mga ina. Nag-iisa man ang kanilang katawan sa paggawa samin ngunit nabubuo kami sa loob ng isang sagradong puno ng mahika at buhay, na sa bawat bulaklak nito ay doon kami nagmumula. Kaming maharlika ay sa toktok ng mayabong na bulaklak magmumula at ang normal na diwata ay sa ibabang bahagi ng mga dahon. Isang makinang na perlas ang ilalabas nito na parang pulot at sa mag-asawang naghihintay ay dun mapapadpad ang enerhiyang iyon at lalabas ang kaanyuan ng pagiging sanggol.
At ang puno ring ito ay pinagmumulan ng buhay naming mga diwata at ng iba pang mga nilalang tulad ng mga kapri, tikbalang at marami pang mga kababalaghan sa mundo ng Encantadia at mundo ng mga tao. Kami lang ang nangangalaga rito dahil kami ang nakakaangat sa lahat.
"Sumainyo ang pagpapala ni Bathala mahal kong Prinsesa Amulet!" sabay bigay pugay nito sakin tanda ng pasasalamat.
" Tayo na pong umuwe mahal na prinsesa dahil sa may kasiyahan pa po kayong dadaluhan ngayong gabi. At sa tingin ko po'y parating na ang mga panauhin ninyo sa inyong kaarawan. "
MUYAK POV
Napakasarap talagang pakinggan ang boses ni Prinsesa Amulet. Napakalamig at nababagay sa kanyang kagandahan. Ang prinsesang kinagigiliwan at lihim na sinisinta ng maraming maharlikang diwata. At ngayon sa ika labing walong taon niya ay maaari na siyang tumanggap ng manunuyo.
Siya ang prinsesa na makulit kong binabantayan ngunit napakatahimik. Sa bawat boses na pinapakawalan ng kanyang bibig ay humahalimuyak ang bango sa kapaligiran at nagdiriwang ang mga halaman na nagsasayawan at nagyayabungan. Musika. Oo musika ang kanyang tinig sa kapaligiran kung kayat lagi siyang tahimik dahil napupuno ng halaman ang paligid. Kaya nya itong kontrolin kung kanyang nanaisin, pero hinahayaan nya lamang ito dahil ito ang kanyang ninanais.
At hito siya, sa bawat pagyapak ng kanyang malarosas na paa sa lupa ay mga munting bulaklak ang nagsisipagsibulan na aking sinusundan. Napakasaya ko at ako ang napiling kanyang tagapagbantay.
Ako si Muyak. Apat na taon pa lamang ako ng lahat kaming mga nilalang na diwata ay nakaabang sa pagsilang si Prinsesa Amulet Liwayna at naghihintay sa kanyang pagpili ng gabay sa unahang bahagi kasunod ng ng reyna at hari. Ang puwesto namin ng aking ina ay nasa gitnang bahagi ng bigla na lamang akong lumutang at nasalo ang liwanag mula sa bagong silang na prinsesa. Liwanag na napakasarap sa pakiramdam at may nabuhay sa aking katawan. Ang marka ng pagiging gabay.
May isa pang liwanag akong nakita noon ngunit bigla ring nawala na parang bula. Sa pagsilang ni prinsesa ay lumago ang mga halaman sa paligid at nagdiwang ang mga ibon na nag-aawitan, mga kulisap at alitaptap na nagbibigay kulay sa paligid mga talulot ng bulaklak na nagsasayawan sa paligid. Ang tubig sa batis na kitang kita mong parang may nagtatampisaw, ang hangin na sinasabayan ang pagsayaw ng mga talulot at ang mga bolang santilmo na nagbigay liwanag sa paligid.
Si Prinsesa Amulet ay sinasamba ng kalikasan. Hindi lang siya maharlikang diwata kundi siya ay may mahalagang papel sa hinaharap. Oo, alam ko ang mga kapangyarihan niya na dahan dahan na niyang nasasanay ng palihim. Di ko ito nakikita ng harapan ngunit ang pagiging gabay ko kung kaya't nararamdaman ito.
Ito ang mga pangitain ko. Ang pangitain na ginagambala ngayon ang aking kalooban. Maraming pangitain kagabi lamang na pilit kong inaalala sa ngayon. Pangitain na nagdadala sakin ng matinding takot sa hindi ko malamang dahilan at may mali.
Hito kami at naglalakad pauwe ng biglang tumigil si Prinsesa Amulet at ang paligid ay dahan dahang nawalan ng buhay. Ang mga ibong namamahinga sa kanilang mga puno ay nagkagulo. Ang mga hayop sa paligid ay nag-ipon ipon sa harap ni Prinsesa Amulet. Umiiyak. Sumasabay sa luha ng prinsesa. Gusto kong lapitan ang prinsesa ngunit ang mga paa koy ayaw humakbang. Walang boses ang lumalabas sa aking bibig.
Nakita kong nagsipaglutangan ang mga buto ng mga halaman at naisilid sa isang enerhiyang bilog. Ang mga hayop sa aking harapan ay dahan dahang naglaho kasabay ng mga enerhiyang bilog. Nakita kong nagbigay ng liwanag at lumutang sa ere ang prinsesa. Para itong isang sanggol na yakap yakap ang sarili. At ilang sandali pa'y dahan dahang bumalik sa normal.
Tumahimik ang paligid. Halos isang oras na kaming hindi nakakaalis sa aming puwesto. Pinipilit kong arukin ang lahat ng mga nangyayari. Ngunit tulad ng kanina at hindi ako makagalaw. May enerhiyang pumipigil sa akin. At ilan pang sandali ay lumitaw sa aming harapan si Reyna Amihan at agad itong niyakap ni Prinsesa Amulet. Ang iyak ni Prinsesa Amulet ay sinabayan ng ulan. Nang hangin na napakalakas at sa kauna unahang pagkakataon ay kumulog at kumidlat. Hindi paman nagsasalita si Reyna Amihan ay alam na niya ang dahilan ng paglitaw nito.
"Ikaw ang susi. Ikaw ang buhay. Kailangan mong mabuhay aking prinsesa. Ikaw ang babalanse sa mundo ng mga tao. Hanapin mo ang taong albularyo na si Pedro Duke na matatagpuan sa paanan ng Bulkang Mayon. Hawak niya ang mahiwagang metyeros na muling magbubukas ng lagusan. Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay. Kami na ang bahala sa Encantadia mahal kong anak. " wika ni Reynang Amihan na ngayon ay nakikita kong duguan na at sa bawat dugong pumapatak sa kanyang katawan ay nagiging pulang rosas ito.
" Muyak, alagaan mo ang aking anak! Ilayo mo sya sa maitim na mahika ni Prinsipe Empetus! Marami syang alagad sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi ko siya hahayaang makalabas dito. Wala ng oras! Kailangan nyo ng lumabas ng mundong ito bago tuluyang magsara ang lagusan! Hindi ko na kakayanin pa. May mga diwata sa mundo ng tao na aalalay sa inyo. Oras na. Sikapin nyong protektahan ang daluyan ng buhay, iyan ang huli kong pinag-uutos sa iyo!!! Ibabalik nyo ng ligtas ang prinsesa!!! Hanggang sa muli nating pagkikita!" at bigla nalang kaming hinigop ng napakalakas na enerhiya kasabay ng malakas na pagsabog sa kaharian ng Encantadia.
"Mahal na Reyna Amihan!!!! "