CHAPTER 25

1707 Words

               Natigilan na naman si Benedict bago gumanti ng mahigpit ding yakap. Hindi na naman sumagot pero siguro nahihiya lang. Nakuntento na siya sa halik nito sa tuktok ng ulo niya. Kaso hindi lalalim ang relasyon nila kung palaging ganito. Siya ang mas kayang magsalita sa kanilang dalawa kaya siya na ang gagawa ng paraan para magkaroon sila ng moment.                “May gagawin ka ba bukas? Day off ko sa trabaho,” sabi ni Lyn.                “Hindi ka aalis sa trabaho kahit makiusap ako sa’yo, tama ba?” pabuntong hininga na tanong ni Benedict.                “Hindi talaga. May pinag-iipunan ako kaya ako nagtrabaho. Saka kailangan ko padalhan si Lola.”                “You don’t have to worry about your grandmother. Ako na ang bahala sa kaniya. I plan to give her a monthly allo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD