“YOU DIDN’T bring your wife?” Nagulat si Benedict at napalingon sa tanong na ‘yon. Si Trick pala ang lumapit sa kaniya. Kumunot ang noo niya. “Don’t mention that here. Baka marinig ka ni papa. I’m sure he’s in here somewhere.” Umangat ang mga kilay nito. “Hindi mo pa sinasabi sa kaniya?” Bumuntong hininga siya at iginala ang tingin sa paligid. Puro businessmen at businesswomen ang nasa paligid. Ang event na ‘yon ay isang malaking luncheon sa isa sa mga function room sa Makati Sports Club na inorganisa ng ama ni Trick. Birthday treat ng nakatatandang Alfonso sa mga business colleagues ng pamilya nito. Iba pa ‘yon sa Yatch Party na gaganapin sa totoong araw ng birthday nito. Exclusive ang party na ‘yon sa mga malalapit na kaibigan ng mga Alfon

