//Selena POV//
At the Party.
Bago pa man sila pumasok sa venue, Alonzo instructed her to go along with his plan. Ang sabi nito ay magpapalit siya ng palangan bilang Selestine at isa siyang flight attendant para hindi siya piinaghihinalaan na siya si Selena Buenavente. Agad siyang pumayag sa plano nito para na rin sa ikakapanatag ng kanyang loob.
Nasa loob na sila ng venue. Masyadong maingay dahil sa musika at pati na ang mga taong masayang nakikipaghalubilo sa ibang bisita.
Agad naman din may nakakilala kay Alonzo at agad naman itong nagpaunlak na makausap ito. Naiwan siyang mag-isa habang nakaupo lang. Kaialngan ba talaga nito may kasama dito sa party? Kung hindi naman eh bakit pa siya nandito? Ang trabaho niya naiwanan na niya dahil kay Alonzo at baka nagtataka na si Emily bakit wla siya sa hotel. Sigurado maguusisa na naman iyon sa kanya.
Nakaramdam na siya ng gutom. "Nagugutom na ako." Tumayo siya at pumunta sa buffet section. Pababayaan muna niya si Alonzo, hindi naman iyon maano. uunahin muna niya ang kanyang tiyan.
Nakahilera ang samu't saring mga pagkain. Simula sa panghimagas, main courses hanggan sa mga inumin na siguradong napakamahal.
Nakakatakam sa kanyang paningin. Na-miss niya ang ganitong pagkain. Noon, halos araw-araw silang may ganyang mga masasarap na pagkain dahil gusto ng mama niya na high-class ang kakainin nila.
Ano kaya ang uunahin niya kainin dito?
"Eww... Look at her leg. Is that a scar?"
"What an ugly scar. Bakit ba siya naka-slit eh makikita naman ang pangit niyang legs."
"Hindi kasi marunong pumili ng damit." Sabay na naghalakhakan ang dalawang babae.
Rinig na rinig niya ang mga insulto ng dalawang babae sa kanya. Hindi naman siya nagagalit pero hindi naman kasi alam ng dalawa saan niya nakuha ang kanyang peklat. Even if this sca is ugly, ito ang palatandaan ng isang memorya na hinding hindi niya mabubura.
"Who is she by the way?"
"Baka gate crasher siya. Akala siguro niya hindi natin siya mahahalata."
"I feel bad for her. Hindi na sana niya pinagsisiksikan ang kanyang sarili dito."
"Naghahalucinate yata siya. Baka akala niya anak mayaman siya."
She clenched her hand. Ngayon napipikon na siya. "Kalma, Selena. Huwag kang papatol sa mga impakta na iyan." Bulong niya sa kanyang sarili. Baka ilang tira pa sa kanya, ilulublob na niya ang mga mukha ng dalawa sa naglalakihan cake.
"Oh! Here you are! Sa wakas nakita na rin kita..." Nilapitan ng isang babae. May dala-dala itong dalawang slice ng cake. Na-iiba ito sa mga dumalo rito dahil hindi ito nakasuot ng evening gown. Nakasuot lang ito ng hoodie at tight jeans at sneakers.
"Hindi ba may paguusapan tayo..." Sinenyas siya nito kung anong pangalan niya.
"Se-Selestine."
"Oh! Right. Sorry ah, nakalimutan ko. I'm so glad nakapunta ka dito. I'm grabbing this chance to talk to you about merging our company. Maganda at high-quality ang brand mo kaya interesado akong mag-invest sa company mo. May I know anong conditions ang gusto mo para lang pumayag ka sa alok ko?"
Is this girl---woman crazy? Ano bang pinagsasabi nito sa kanya? At wala naman siyang kompanya at hindi niya ito kilala.
"Sige na. After all, you're the most IMPORTANT guest here. I heard you donate 50 million to 10 charities. Ang galing mo talaga!"
Narinig niyang napasinghap ang dalawang impakta umiinsulto sa kanya sng mga pinagsasabi ng babae.
"Is another 60 million investment will make you say yes, Selestine?"
"A-ano kasi..."
Binulungan siya nito. "Acting part lang ito, Ate. Para masunong ang mga kaluluwa ng dalawang ahas diyan. I got your back, okay?" Pagkatapos ay palihim itong kumindat sa kanya.
Acting? Sige, kung iyan ang gusto nito. "A-Actually Miss..." Ano bang pangalan nito?
"Francesa Alcazar. Owner of Alcazar Amore Village."
Wait a minute... Iyon ang lugar nina Natalia at Alonzo! Ibig sabihi--- teka, hindi ba akting lang daw?
"Actually Francesca, gusto ko din kasi ang offer mo. Maganda din iyan sa business ko at for sure, wala pang isang taon, our stocks will gain 200 percent."
"Great! At nabalitaan ko din na magtatayo ka din ng store sa Maldives."
"O-oo?" Naku, ano ba itong pinagsasabi niya?
"Kaya pala hindi ka ma-kontak eh dahil nasa paraiso ka nagbabakasyon."
How she wishes na totoo ang sinasabi nito sa kanya.
"Sis, let's get out of here. Hindi pala iyan gate crusher."
"Oo nga. At kaibigan pala niya ang may-ari ng Amore Village. Tara na."
"But, her leg is still ugly."
"Come on!"
Agad-agad umalis ang dalawa. Phew! Mabuti tapos na din.
"Grabe! Sino kaya ang totoong gate crasher dito? Baka party crasher. Absent yata sa lesson ng teacher niya eh! Hi, Ateh! Remember me?"
"Huh?"
"Ay." Nalungkot ito. "Hindi ba huwag mong sasaying ang oras mo sa Alonzo na iyon? Pumunta ka ba ng simbahan para mawala ang masamang spiritu ng kolokoy na iyon?"
Ah! Siya iyong babae na nasa Casa Resto na inaaway si Alonzo. "Naku! Pasensya ka na, hindi kita nakilala agad."
"Okay lang iyon no. Nga pala, hindi ka naman nandirito kung wala si Alonzo the Pangit. Bakit hindi kayo magkasama?"
"Busy kasi siya nakipaghalubilo sa mga bisita."
"Oh, right. Every party is a business transaction. Pabayaan mo na iyon. Tayo na lang ang mag-bonding."
"Sige, no problem."
"Kanina pa tayo nandito, kumuha ka na ng pagkain mo at sa veranda tayo kakain."
"Salamat."
"Nga pala, that scar on your leg, flaunt it. Hindi kinakahiya ang ganyang peklat. Isa lang iyan sa patunay na isa kang matapang na tao."
-----------
//Alonzo POV//
"Thank you, Mr. Guevarra."
Ilang oras na ba siya kakasalita at kinakausap ng mga tao dito. This is so tiring and boring! This is why he didn't like to go like this events. Pinilit lang naman niya ang kanyang sarili pumunta rito para makakilala ng bagong tao para mas makilala ang kanyang kompanya.
At sinama pa niya dito si Selena. Teka, nasaan na iyon?
Hinanap niya ito. Sa kakallibot niya sa lugar, wala siyang nakikitang bulto ni Selena. Nasaan na ba ang babaeng iyon?
"Hey! Alonzo!"
It's Natalia--- No. It's Lukas. The male version of Natalia.
"Akala ko ba hindi ka dadalo? Bakit ka nandito?"
"Hindi ba pwedeng nagdadalawang isip lang? Hindi na sana ako tutuloy kung hindi lang ako pinilit ng honey Rinah ko. Si Selena, nasaan?"
"HIndi ko din alam."
"Hala! Sinama mo dito tapos hindi mo alam? Iyan kasi! Kung saan-saan pumupunta. Baka umuwi na iyon at na bored dahil imbes na kayong magkasama, iniwan mo pa."
"Shut up, will you? Ayokong makarinig ng sermon galing sa hilaw na bakla."
"Dahil totoo naman. Hay nako! Eh baka naman, may nakilalang gwaping dito at may pinuntahan?"
May nakilala si Selena na ibang lalaki? Hindi siya makakapayag! Siya ang kasama nito tapos iba ang sasamahan nito?! Hell with that woman! Kailangan niya ito makita agad!
"Alonzo! Saan ka pupunta?!"
If she's seeing another man, he will make sure she will be punished! Mark his damned words!
.
.
to be continued....