//Selena POV//
"Ahh! Ang sarap ng hangin! At ang sarap kumain!" Sabay subo ni Francesca sa kinakain niyang cake.
"Maghinay-hinay ka sa kakasubo mo. Wala naman mang-aagaw sa iyo." Sita naman ni Leeyah. Isa din sa kaibigan ni Francesca.
Nandito silang tatlo sa veranda malayo sa venue ng party. Dahil sa niyayaya siya ni Francesca na lumayo muna sa maingay na salo-salo, ay pumayag siya at sumama rito. Madami rin silang dinalang pagkain. Para na nga silang nagpi-picnik. Walang humpay ang kanilang pagkukwento ng kung ano-ano at dahil na rin sa sobrang ganda ng view at nasa tapat nila ang buwan, mas relaxing at enjoyable silang tatlo.
"Alam ko, no. Hindi ko kasi mapigilan basta may cake na ang nasa harapan ko. Ikaw, huwag ka muna magda-diet, ang daming blessings sa hapag natin. Makonsensya ka."
"Kailan ba ako nag-diet? Nakakainis ka ah!" Nilingon siya ni Leeyah. "Ikaw din, baka mahilig ka din sa pagda-diet."
"Naku! Hindi." Iling na sabi niya rito.
Natawa ito sa reaksyon niya. "Joke lang. Hay, salamat naman at nakakapag-relax na ako ngayon. Sa dami pa naman ng pinag-uutos ng boss ko, parang gusto ko na um-extend ang bakasyon ko."
"Sabagay, kung ganyan pa naman ang boss mo na halos kasing tulad na ng poste at parang laser beam kung makatitig, mas mabuti pa na maghanap ng ibang mapapasukan. Pero, tiis-tiis din, kaibigan, intern ka pa naman at kailangan mo iyan para ka grumaduate. Buti hindi ka inistorbo ni Nicholas ngayon."
"Mabuti nga hindi sa ngayon. Ang hirap maging secretary niya. Intern lang naman ako, pero parang halos lahat ng trabaho binibigay sa akin. Siguro ginagawa lang niya iyon para may matututunan ako pero, ay grabe! Stress is real."
"Oo nga. Hindi na nga maipinta ang mukha mo."
"What?!" agad na hinawakan ni Helena ang mukha nito. "Nakikita na ba sa mukha ko ang stress?!"
"Ewan ko sa iyo. Kumain ka na lang. Ikaw Selena, hindi mo pa kinukwento sa amin bakit kayo nagkakilala ng gunggong na iyon."
Si Alonzo ang tinutukoy nito. "Assistant niya kasi ako."
"Talaga? You mean "alalay"?"
Tumangi siya bilang sagot niya.
"Natitiis mo iyong pagmumukha ng lalaking iyon? Congrats."
"Sino ba iyan si Alonzo?" Nagtatakang tanong ni Leeyah kay Francesca.
"Isang nilalang na naninirahan sa Amore Village."
"Ay, ganoon? Eh bakit parang galit ka kapag naririnig mo pangalan niya?"
"Madali lang kasi iyon mainis. Nakaka-enjoy naman kasi makita ang mukha niya parang nakainom ng suka. Sa totoo lang, mabait naman talaga si Alonzo, pikunin lang. Hindi ba, Selestine?"
"Oo nga. Siya nga pala, pasensya na ah? Kasi... hindi Selestine ang totoo kong pangalan."
Napatitig sa kanya ang dalawang babae. "My name is Selena."
"Oh. Okay lang iyan, Selena." Sabi ni Leeyah.
"Oo nga. Pwera na lang kung may tinataguan ka, hindi ba?"
Meron nga siyang tinataguan.
"Ubos na ang cake ko. Kukuha lang ako sandali."
Tatayo na sana ito ng pinigilan niya. "Ako na ang kukuha."
"Pero, baka makita mo na naman iyong dalawang aswang." Tinutukoy nito iyong dalawang babaeng ininsulto siya.
"Ayos lang. Narinig naman ng dalawang iyong ang pinagusapan natin kanina."
"Iyan ang gusto ko!"
----------
//Selena POV//
Pumasok ulit siya sa venue para kumuha ng cake. Medyo marami pa rin tao at nagkakasiyahan pa ang mga ito. Palinga-linga siya sa paligid. Nasaan na kaya si Alonzo? Baka hinahanap na siya nito?
Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. Hindi niya ito natignan kanina dahil naaaliw siya kina Leeya at Helena.
Bumungad sa kanya ang kadami-daming text messages at missed calls ng binata. Nasaan na daw siya o baka nagtangka siyang umalis.
Patay. Mukhkang galit na ito dahil hindi niya sinagot ang mga tawag nito. Kailangan muna niya sigurong hanapin si Alonzo at magpaliwanag.
Nagsimula na niyang hanappin ito sa bawat sulok ng venue. Wala naman ito. Nasaan na ba ang lalaking iyon?
"Selena!"
May tumatawag ba sa kanya? Pero, Selestine ang ginagamit niyang pangalan ngayon at hindi boses ni Alonzo ang narinig niya.
Lumingon siya sa kanyang likuran at laking gulat niya kung sino ang tumatawag sa kanyang pangalan. Si Jordan.
"Ikaw nga!" Dali-dali siyang nilapitan nito. "Akala ko hindi ikaw ang nakikita ko kanina pa. Anong ginagawa mo dito? At bakit... ganyan ang suot mo?"
Siya dapat ang magtanong kung bakit ito nandito?! "Uh... ku-kuwan, ta-trabaho. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Sideline ko lang itong pagiging waiter sa mga parties. Kulang pa ang kinikita ko sa pasada at kailangan ko ng pera pambayad sa mga gastusin sa bahay."
"Ga-ganoon ba?" Kailangan na niyang makalayo dito. "Si-sige, aalis na ako."
Tatalikod na niya ng hinawakan nito ang kanyang braso. "Sandali lang. Aalis ka na agad? Ano bang trabaho mo ngayon? Nagsa-sideline ka rin ba ngayon?"
"O-oo."
"I-kwento mo naman. Total, matagal na tayong hindi nagkita. Sa barangay nga, napapansin ko hindi na kita nasisilayan doon."
"Busy kasi ako sa trabaho. Sige ah? Aalis na ako. Jordan, ang braso ko..."
Hawak pa rin nito ang braso niya. "Bakit ka nagmamadali?"
"A-ano kasi..."
Nagulat siya ng may humiwalay sa pagkakahawak ni Jordan sa kanya. It's Alonzo.
"I've been looking for you everywhere. Saan ka ba pumunta?" Naninikit nakatitig ang mga mata nito sa kanya.
"Hi-hinahanap din naman kita. Kanina nga pala, kasama ko si Leeya at si Helena kaya hindi ko nasagot ang mga texts at tawag mo."
"Sa sususnod, huwag mo ng kakalimutan na ako ang kasama mo. You got that? I thought umalis ka na dito eh."
"So-sorry..."
"Sandali, bakit ka ganyan makapagsalita kay Selena, sino ka ba?" Namagitan si Jordan sa kanilang dalawa.
"At ikaw, sino ka?" Balik na tanong naman ni Alonzo kay Jordan.
"Kaibigan ko siya."
"Really?" He smirked. "Iyan ba ang tinatawag mong kaibigan na pinagnanasaan mo ang buo niyang katawan. Do you think hindi ko iyon nahahalata?"
"Alonzo, tama na." Pigil niya sa binata. Ayaw niya ng gulo at ayaw niyang makakuha ng atensyon sa ibang tao dahil lang sa dalawang lalaking ito.
"Ang lakas mo makapagsabi sa akin ng ganyan." Tinignan siya ni Jordan. "Selena, ayokong manghusga pero, hindi ito ang tamang paraan para makakuha ng pera."
"A-anong pinagsasabi mo?"
"Huwag mong ilagay ang sarili mo sa delikadong sitwasyon. Sinamahan mo itong lalaking ito dahil sa trabaho mo, hindi ba? Hindi lang masama ang ugali, napakataas naman ang bilib sa sarili. Porke mayaman ka, makukuha mo na ang lahat."
Hinablot ni Alonzo ang manggas ni Jordan. "You son of a b***h. Bawiin mo ang sinabi mo."
"Alonzo, tumigil ka na."
"Selena, sumama ka sa akin at uuwi na tayo. Huwag mong ipagpalit ang dangal mo para sa pera at sa lalaking iyan!"
Ibig sabihin, akala ni Jordan na isa siyang...
Biglang tumulo ang kanyang luha. Hindi siya makapaniwala. Akala nito isa siyang bayarang babae. Hindi niya kinaya ang nalaman niya at bigla na lang siyang lumakad at umalis.
Kailangan na niya lumayo dito. Gusto na niyang umuwi, mapag-isa at makalimot sa mga nangyari ngayon.
.
.
.
to be continued...