US1- 54 //Selena POV// “Selena! Selena!” Tawag sa kanya ni Alonzo. Tanghali na at kakadating lang nito sa tagpuan nila. “Pasensya ka na ngayon lang ako nakarating. Marami kasing pinapatrabaho ang kapatid ko.” Iniabot nito sa kanya ang isang kumpol na lansones. “Pinitas ko para sa iyo.” “Salamat, Alonzo.” Tinanggap niya ito. “Bakit ganyan ang mukha mo. May problema ba sa inyo ng mama mo?” Napabuntong hininga siya. “Nagkasagutan kami kagabi.” “Ta-talaga? Pasensya ka na naitanong ko pa.” Umiling siya. “Hindi. Okay lang. Umuwi kasi siya na lasing. Ang sabi niya sa akin na titigil na siya pero, hanggang salita lang pala ang pangako niya. Alcoholic siya noon pa. Nang bigla na lang siyang nahimatay at naisugod sa ospital, dahil pala sa sobrang pagkalulong niya

