US1- 53 //Selena POV// Gabi na at katatapos lang niyang kumain ng hapunan sa kanyang kwarto. Utos nito ng kanyang ina sa mga katulong na ditto na lang siya pakakainin kesa bababa pa siya. As usual, puro prutas at gulay ang pinakain sa kanya. Ginawa na rin niya ang daily routine niya bago matulog. Yes, it’s only 8 in the evening at kailangan na niyang matulog. Isa din ito sa gusto ng Mama niya para raw fresh ang kanyang kutis. Pinagmamasdan lamang niya si Amanda na ligpitin ang kanyang pinagkainan at mga gamit na dadalhin papalabas ng kanyang kwarto. Dalawa ang katulong pinagkatiwala ng kanyang ina para bantayan siya at asikasuhin ang mga pangangailangan niya. Sila Issa at Amanda. Hindi siya masyadong nahirapan na kilalanin ang dalawa dahil hindi naman nalalayo ang agwat ng kanil

