//Selena POV//
Pagkatapos nito magagahan ay dinala siya nito sa isang lugar. Namangha siya sa palgid at parang nasa ibang bansa siya dahil sa hindi ordinaryo ang mga tanawin at kamangha-mangha mga bahay. Nandito sila sa isang exclusive village.
Bakit kaya sila pumunta ditong dalawa at anong pakay ni Alonzo?
Huminto ang sasakyan nito sa isang bahay. Modern house kung titignan at halatang pinagplanuhan ang disenyo nito. Bumaba sila sa sasakyan at tinungo ang bahay.
"Alonzo, ano ba ang gagawin natin dito?"
"May bibisitahin lang ako."
"Sino?"
"You'll know kung makikita mo na siya. It's my friend so hindi mo na kailangan magselos."
Nagulat siya sa huling sabi nito. Selos? Siya? "Wala naman akong iniisip na ganyan no?!"
"Inunahan lang naman kita. Get in." Inuna siya nito pinapasok sa loob. Napakaganda sa loob! Napakaelegante dahil sa naghalong modern at contemporary design. Marami rin mga rosas sa paligid. Babae ba ang kaibigan ni Alonzo?
"Natalia!" Sigaw ni Alonzo. "Nasaan ka?"
Oh. So it's a woman.
"Comiiiing..!" Pakanta sagot naman ni "Natalia". Pero, sandali lang...
...parang hindi boses babae ang nadinig niya ah!
Bumulaga sa kanya ang isang taong sobrang ganda. Mahaba ang buhok nito, nakasuot ng pink blazer at white pants. Naka-heels din ito kahit na halatang ang tangkad nito. Ito ba si Natalia?!
"Alonzo! I'm so glad binisita mo ako. Na-miss kita. Hohoho!" Sarcastic ang tono nito.
Napatigil siya sa asal nito. Alam niyang mali ang manghusga pero sa tingin niya dahil sa boses at tawa nito... hindi ito isang totoong babae.
Napadako ang mga mata nito sa kanya. "Oh my" Itinulak nito si Alonzo at nilapitan siya. Narinig niyang napamura si Alonzo sa pagkakatulak ni Natalia rito. "Who is this little girl? I'm Natalia. And you are?"
"Se-selena..."
"Nice to meet you. Nakakatuwa naman dinala ka ni Alonzo dito. Ano ba gusto mo? Coffee? Juice?"
"Ibabagok mo ba ang ulo ko sa sahig?!" Inis ni Alonzo kay Natalia.
"Ang OA ah! Para ka ngang papel sa sobraang gaan mo!"
"What?!"
"Huwag mo nga akong istorbohin dito. Kinakausap ko pa ang kasama mo."
"What the hell! Ikaw nga ang sinadya ko eh."
Hinarap nito si Alonzo. "Bakit ba?"
"I want you to make something for her."
Siya ang tinutukoy nito?
"Ohh..." Sambit ni Natalia.
------------
//Selena POV//
"Ikaw naman, hindi mo agad sinabi na gusto mo gumawa ako ng exclusive gown para kay Selena. Ikaw ah, chikahin mo muna ako para makaisip na ako ng design para sa kanya, hindi ba Selena?"
Ngiti lang ang kanyang naisagot. Inangat niya ang kanyang dalawang kamay dahil kinukuha na ni Natalia ang kanyang body measurements para sa gagawin gown nito para sa kanya.
"It's urgent at wala na akong oras para tawagan ka. At kung tatawag naman ako sa iyo, hindi mo naman sinasagot. Nananadya ka yata." Sabi ni Alonzo na nakaupo sa sofa at tinitignan silang dalawa.
"Of course not! Bad timing lang siguro mo iyon na ang busy busy ko sa trabaho."
"Talaga lang ah?" Biglang nag-ring ang cellphone nio. Umalis ito at pumunta sa labas.
Naiwan na siya kasama si Natalia. "Alam mo, naninibago ako."
"Bakit?" Tanong niya rito.
"First time kasi may ini-request si Alonzo na gumawa ako ng gown para sa babae."
First time? "Parang imposible naman mangyari iyan."
"Believe me it's true. Sandali, may something ba kayong dalawa?"
"Huh? Wa-wala! Wala kaming... ano..." Meron pero tapos na noon pa.
"Talaga? Kung wala baka meron nga pero... hindi natuloy?"
Napaisip siya. Sa tanong nito ay parang tama ito. Hindi nga natuloy dahil sa kapalaran na nauwi sa bangungot. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya rito ang nakaraa nilang dalawa ni Alonzo.
"You want to say something. Don't worry, even though I dressed as a woman, nakikinig ako kung ano man nasaloobin mo. Treat me as a friend. I like Girls talk kumbaga. "
Ikwinento niya kung sino siya sa buhay ni Alonzo. Anong nakaraan nilang dalawa at anong nangyri kung bakit sila nagkahiwalay at nagkatang muli sa mahabang panahon.
"Naku naman ganyan pa ang nangyari sa inyong dalawa. At ng dahil sa pagka-casino ng mama mo eh wala na kayong pera pati ang hacienda ng papa mo ay ibinenta na. Eh, papaano naman kayo ni Alonzo? Siguro ayaw na ayaw ng Mama mo na magkatuluyan kayong dalawa."
Tumango siya. "Tama ka. At ng malaman niya ang tungkol sa amin dalawa, ginawa niya ang lahat para mailayo niya ako kay Alonzo kaya heto, dahil sa ayoko pakasalan ang gusto ni Mama, naghihirap kami ngayon."
"Hindi mo ba pinagsisisihan iyon? Na sinuway mo ang gusto ng mama mo? Kung pumayag ka lang, siguradong maginhawa pa rin ang buhay ninyo pero, hindi kayo magkakatuluyan ni Alonzo."
"Kahit naman pumayag ako o hindi, hindi kami para sa isa't isa. Nilunok ko na ang pride ko dahil si Alonzo lang ang makakatulong sa malaking problema ko. Kung hindi pa ako naging desperado, tiyak na may gagawin sa amin masama."
"Mabuti naman kung ganoon. Kahit na ganyan iyang lalaking iyan at medyo masakit magsalita, mabait naman. Ano nga pala ang pinapagawa niya sa iyo?"
"Uhh... Kwuan... tulad ng parang...."
"Hm?" Nagtataka ito sa sinasabi niya.
Papaano ba niya sasabihin? "Ako iyung nagluluto ng pagkain niya. Parang alalay."
"Ahhh..."
"O-oo.."
"Pero sasabihin ko na ito sa iyo hangga't maaga pa."
"Ano iyon?"
"Baka sa kakalapit ninyong dalawa ulit eh, magkakabalikan ulit kayong dalawa."
"Hindi na, Natalia. Hindi na ako umasa pa na babalik ulit sa dati ang lahat. Sa mga masasamang ginawa ng Mama mo sa kanyang at sa pamilya niya, gagawin ko lang ang gusto niya para mabayaran ko na ang mga utang ng pamilya ko."
Natalia touched her chin. "Cheer up, will you? Huwag kang magalala, kahit ganon ang nangyari, pasasaan ba't maayos din ang lahat. Hindi habangbuhay magtatanim ng galit ang isang tao Selena at kahit saan ka man naroon, magkukrus pa rin ang landas ninyong dalawa. Oh di ba, nandito ka ngayon at gagawan pa kita ng bonggang bongga na gown."
"Salamat, Natalia."
"Sus! Ako pa. Trust my design, girl, ako na ang bahala sa iyo. Hindi lang naman si Alonzo ang lalaki dito sa earth, may makilala ka pang iba. You know, he's getting marry and---"
"Ikakasal na siya?"
"Oo. Matagal na pero hindi ko alam kung bakit hindi pa sila magpapakasal."
"Hindi ba, may girlfriend siya? Si Cynthia." Nalilito siya sa isiniwalat nito. Papaano eh meron itong nobya.
"Si Cynthia? Of course not. May asawa na ang babaeng iyon. Papaano maging girlfriend ng lalaking iyon... oohh... don't tell me..."
"Na ano, Natalia?"
"Wa-wala. They're just friends... I guess. Back to the topic, hindi ba sinabi sa iyo ni Alonzo?"
"Hindi. Wala siyang sinabi. Sino ba ang fiancee niya?"
"Si---"
"Nagsusukat ka ba o nakikipag-tismisan lang kayong dalawa diyan?" Hindi nila namalamayan na bumalik na pala si Alonzo.
"Sush! Wala kang paki, Alonzo bugnutin!"' Sita ni Natalia.
"Anong sinabi mo bakla?!"
"Sira ulo!"
"Ay ganoon?" Bumalik ito sa labas. Pumasok ulit ito na may kasamang babae. Inakbayan nito ang babae na wala man lang ekspresyon sa mukha. Parang wala itong pakialam sa pagakbay ni Alonzo rito.
"Edi akin na lang itong Honey mo. Rinah, makipagbreak ka na diyan sa bakla mong hilaw at tayo na lang dalawa."
"Hoy! Peste, lumayo ka sa kanya!" Ngayon naging barito at lalaking lalaki na ang boses nito.
"Oh, so ngayon naging lalaki ka na? Rinah, iyang syota mong sirena wala kang mapapala diyan. Papano ka ba niya sinagot?"
"Rina Honey, come here. Baka magkaroon ka ng galis diyan sa lalaking iyan."
"No." Matitpd na sagot ng babae.
"Sorry, Natalia." Ngiting sagot ni Alonzo.
"Nooooo...!"
Hindi niya mapigilan na matawa sa tatlo. Nakaka-enjoy itong pagmasdan. Lihim siya nag pasalamat kay Alonzo na dinala siya dito at makakilala ng magiging bago niyang kaibigan.