//Selena POV//
"Kumain ka ng marami, Selena. Baka hindi ka pinapakain ng maayos nitong..." Nilapitan ni Natalia si Alonzo at parang may ibubulong sa tenga nito. "....LINTANG lalaki na ito!"
Kumunot ang mukha nito dadhil sa sigaw ni Natalia. "s**t--- Sumusobra ka na talaga bakla ka!"
Nakita niya ang babaeng nagnganglang Luna na may dalang pagkain. Namagitan ito sa dalawang lalaking nagbabangayan.
"Umusog ka." Sabi ni Rinah.
"Hoy, hindi mo ba narinig ang sinabi ng Honey ko? Umalis ka diyan dahil uupo siya." Sita ni Natalia kay Alonzo.
Nilingo ni Rinah si Natalia. "Ikaw ang umusog. Uupo ako."
"Haha! Serves you right, sucker!" Sabay labas ng dila ni Alonzo na parang bata.
Nagsimula ng magligid ang luha nito. "Bu-but why? Gusto mo ba talaga makatabi diyan sa uod na iyan kesa sa diyosa mong boyfriend?"
"Yuck." Bulong ni Alonzo.
"Kung hindi mo pa ako ipapaupo, aalis na lang ako."
"No! Don't leave me. Basta huwag kang medyo lalapit diyan sa mukhang aso na iyan." Ang tinutukoy nito si Alonzo pa rin.
"Give me a break will you, transvestite? At hindi ka na nahiya. Ang girlfriend mo pa mismo nagdala ng pagkain dito. Ginagawa mo na yatang yaya ang Honey mo eh."
"Wow! Iyan din naman ang ginagawa mo kay Selena ah!"
"Iuuntog ko kaya ang mga ulo ninyo para tumahimik na kayo?" Sambit ni Luna sa dalawa.
Hindi na nito nagbangayan pa at nagsimula ng kumuha ng mga pagkain. Simula ng dumating siya, Nakilala niya si Natalia hanggang ngayon, nakakatawang isipin na may makikilala siyang makakapagpasya sa kanya at masabi ang kanyang problema.
Natalia is a very nice person. He's a transvestite and a fashion designer. Mula sa pananamit at trabaho nito, hindi niya inakala na sobrang bait at masayahin at ng unang kita pa nito sa kanya ay itinurin na siyang kaibigan. At sa gulat niya ay meron pala itong nobya, si Rinah.
Simple lang ito. Maiksi ang buhok at simple lang kumpara sa nobyo nitong sobrang ganda, hindi mahahalata na meron itong relasyon. Hindi din ito palangiti o walang lumalabas na emosyon sa mukha nito. Gaya ng tanong ni Alonzo sa babae, gusto din niyang malaman kung papaano itong nagkakilala ang isa't isa at naging magkasintahan. Sa tandem nitong dalawa, mukhang maligaya ang pagsasama nila.
"Siya nga pala, may design ka na ba sa gown ni Selena?" Tanong ni Alonzo kay Natalia.
"Yeah. Tinanong ko din siya kung anong tipong design ang gusto niya. She wants simple so I sketched her some ideas. So this gown is for the upcoming event?"
"Yes. Wala akong kasama kaya siya na lang."
"How about Am---"
"That's none of your concern. Pwede kong isama kung sino man ang gusto ko, got that?"
"Okay, okay. Geez... Anong party ba iyan?"
"Charity event, I guess."
Napadako ang tingin ni Natalia sa kanya. "Have you been to parties before, Selena?"
"Hindi. Hindi kasi ako dumadalo sa ganyang event."
"Tapos ikaw pa isasama nitong gorilla sa party? Hay nako. Sige na lang, iyan naman kasi ang trabaho. Tiisin mo lang, Selena ah? Nandito ako para suportahan ka."
"Wala siyang magagawa dahil sinabi mo nga, alalay ko siya."
"Basta. Aja!"
------------------
//Selena POV//
Nasa labas sila ng bahay at nakaupo siya sa isang bench na napapalibutan ng mga magagandang bulaklak. Kasama niya si Luna na may binabasang libro. Sina Alonzo at Natalia naman ay nasa office dahil may paguusapan lang ito.
Tahimik lamang silang dalawa. Hindi kasi niya alam papaanong kausapin si Rinah kaya inabala na lang niya ang sarili na pagmasdan ang maliit na garden.
"Hi. I'm Rinah."
Hindi niya maiwasan na magulat. Nasa harapan na pala niya ito. "Se-Selena."
"Pasensya ka na hindi ko agad nagpakilala sa iyo. Makulit kasi iyong kutong lupang diyosa na iyon kapag nagkikita kaming dalawa. Girlfriend ka ba ni Alonzo?"
"Hindi. Dinala lang niya ako kay Natalia para magsukat ng gown."
"Ganon ba?"
"Maganda itong village. Dito ka rin ba nakatira?" Tanong niya sa dalaga.
"Hindi. Si Lukas lang ang nakatira dito."
"Lukas?" Sino si Lukas?
"Si Natalia. Hindi pa naman gumagabi kaya Lukas ang tawag ko sa kanya."
Lalaking lalaki ang pangalan pero mas babae pa iyon kung kumilos.
"Pati rin si Alonzo may bahay din dito. Actually, ibang mga kaibigan nilang dalawa ay nandito din sa village nakatira."
"Hindi ko alam. Hindi pala ordinaryo itong tinitirhan nila."
Tumango ito. "Yeah. This village is for the elite and privilege people only. Halos professionals ang nakatira dito at hindi ka basta-basta makakapasok ng walang pahintulot sa nakatira dito. Lukas and Alonzo can afford luxuries so hindi na tayo magtataka pa na dito sila namalagi."
Ang taas na talaga ang naabot ni Alonzo sa nagdaan taon na hindi nila nasilayaan ang isa't isa. He owns everything that only riches of the world can afford.
"Ikaw? Anong trabaho mo?"
"Housekeeper ako ng hotel at... assistant niya."
"Okay. Huwag kang mag-alala, mabait naman si Alonzo pero minsan nakakainis din kung magsalita."
She chuckled. "Oo nga. Iyan din ang sinabi ni Natalia sa akin."
"Huwag mo na din masamain ang bangayan ng dalawang iyon, ganoon lang talaga sila "maglambingan" sa isa't isa. Minsan hinahayaan ko na lang dahil sa busy ang dalawa sa kanilang mga trabaho, hindi na nila sila nakakapagbiruan."
"You're a nice...girlfriend to Lukas, Rinah."
"Hindi naman." Mataman siyang pinagmasdan nito. "Hindi halata ano na may relasyon kami?"
"Uhh..."
"That's okay. Hindi ko rin naman kasi naintindihan pa kung bakit nagustuhan niya ako. Pero, ang inisip ko lang, na masaya ako kapag kasama ko siya. You can't tell because of my face but I'm grateful."
"Kahit na hindi mo pa naiintindihan ang nararamdaman mo para sa kanya, you still gave your love to him at iyon ang nakakapagpasaya sa inyong dalawa. HIndi ko pa man lubos na nakilala si Natalia, nakikita ko na kapag nandiyan ka, masaya siya."
"Ikaw Selena, do you love someone right now?"
"Wala eh."
"Si Alonzo?"
"Naku, hindi."
"Hindi iyan ang nakikita ko. Why would a boss wants to make a custom gown for his assistant?"
Natawa siya. "Hindi nga."
"He's an a**hole but he's humble. Walang taong hindi magkakagusto sa kanya. Pero sa ngayon, huwag mo muna pairalin ang puso mo dahil hindi mo pa alam kung anong sususnod na mangyayari. Baka na nasa itaas ka na ay agad ka ng babagsak. Marami pang ibang papasok sa buhay natin kaya kailangan mo mag ingat."
Tila nakaramdam siya ng takot sa sinabi nito sa kanya. Yes, she understands everything. She's always being denial about her feelings dahil ayaw na niyang maulit na may uusbong na naman ang pagmamahal niya sa lalaking iyon at maulit na naman ang nangyari noon.
-----------
//Alonzo POV//
"Ano bang sasabihin mo sa akin?"
"Did Selena tell you something?"
"Uhh... No, she's not."
"Liar."
"Wala nga! Ang kulit naman."
"I want to ask a favor."
"Ano nga iyon?"
"About Amanda. Huwag kang magsasalita sa kanya tungkol kay Amanda."
Amanda is his fiancee. Kakaunting tao lang ang nakakaalam nito pero dahil sa sirkumstansya ay hindi matuloy-tuloy ang kanilang pagiisang dibdib. Amanda is his childhood friend. Kasama niya ito noon sa hacienda ng pamilya ni Selena. Malapit ang pamilya nito sa pamilya niya.
"Para makuha mo ang loob ni Selena, ganon ba? Alam mo, sumusobra n iyang pagkababaero mo eh. Pati nga si Cynthia pinatulan mo pati ba naman si Selena. Alonzo, may fiancee ka na!"
"You don't know anything, Lukas!"
"Oh, don't you try me, Alonzo. Kahit hindi ko alam anong nangyayari, malalaman ko din. Sasabihan na kita hangga't maaga pa, huwag na huwag kang gagawa na ikasasakit ng iba. You grown just to have revenge tama ba? And I think nagkamali ka ng pinuntiryang tao."
"What do you mean?"
"I was just saying, don't hurt Selena. And stop playing games."
Lukas (aka Natalia) has a sharp mind when it comes to observing people. Ni sikreto ng ay malalaman nito that's why he can show his emotions to him. He's a nice friend but the worst enemy to begin.
Hindi niya gustong malaman ni Selena kung ano ang nangyari sa kanya sa mahabang panahon na nawlay sila. Yes, he's now a powerful man pero hindi niya kayang malaman ng iba kung anong hirap ang dinanas nilang pamilya pagkatapos ng ginawa ng ina nito sa kanila. Nandoon pa rin ang galit pero...
why is it slowly fading away?
.
.
to be continued