//Selena POV//
Naabutan na sila ng gabi ni Alonzo sa bahay ni Natalia. Bukod sa nagkukulitan ang dalawang lalaki ay mas natagalan sila para sa susuotin niyang gown para sa dadaluhan niyang charity event. Mula sa tela hanggang sa disenyo ay mabubusi tinignan ni Natalia para magiging maganda siya sa party sabi nito. Ito na din daw ang bahala mag-ayos sa kanya dahil hindi rin pala ito fashion designer kundi isa din make-up artist.
Nagpaalam na silang dalawa na aalis na. Ilang layo ng distansya mula sa bahay ni Natalia ay napatigil sila sa isang magarang bahay.
"This is my house. Mahaba ang biyahe natin papunta dito at gabi na kaya dito na tayo matutulog."
Sumunod lamang siya rito. Binuksan nito ang pinto at pumasok silang dalawa. As expected from him, maganda ang bawat sulok ng bahay nito.
Tinawag siya nito at sumunod siya agad-agad. Binuksan nito ang isa sa mga kwarto. "This will be your room. May dala ka bang damit?"
"Wala akong dala."
"Kukuha lang ako ng damit mo. Take a shower para makapagpahinga ka na."
"Si-sige. Salamat."
Tumango lamang ito at sinara ang pinto. Inilapag niya ang dala niyang pagpack at hinubad ang suot niyang jacket. Umupo siya sa kama. Sa buong araw ay ngayon lang niya naramdaman ang pagod. Masaya kasi kasama sina Natalia at Rinah kaya nage-enjoy talaga siya. She didn't experienced that for a long time. puro trabaho lang kasi ang inaatupag niya.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag. At tumambad na naman sa kanya ang maraming text messages galing sa pinagkakautangan ng kanyang ina. Kailan at magkano na naman ba raw ang ibabayad niya. Sige lang, pagkatapos ng ipagagawa ni Alonzo sa kanya, meron siyang matatanggap na isang daan libong piso. Sana naman sapat na iyon para hindi muna siya bulabugin ng mga ito. Magbabayad naman siya at hindi niya tatakbuhan ang responsibilidad niya.
May kumakot sa pinto. Binuksan niya ang pinto at pumasok si Alonzo na may dala-dalang damit. "Oh. Akala ko naliligo ka na."
"Ah, hindi pa. Pinapahinga ko lang ang binti ko."
"Why? What happened to your leg?"
"Wala naman. Si-sige na baka pagod ka na din---"
Imbes na lumabas na ito ng kwarto ay bigla lamang siya pinaupo sa kama at lumuhod. "Saan ba ang masakit?"
"Alonzo, ayos lang ako."
Hinawakan nito ang kaliwang paa niya at iniangat ang jogging pants na suot niya. Tumambad rito ang napakalaking peklat sa kanyang paa. "What happened?" Gulat na tanong nito sa kanya.
"A-ano na lang iyan... naaksidente kasi ako sa trabaho." She lied again.
"This is injury! Naoperahan ka dahil dito, tama ako?"
"Oo pero matagal na iyon. Sumasakit lang siya kapag nakaramdam ako ng pagod."
"Sinabi mo sana na pagod ka. Hihilutin ko na lang ang binti mo para mawala ang sakit."
Hihilutin nito ang binti niya? Agad niyang inilayo rito ang paa niya. "Huwag. Hindi naman ito problem sa akin."
Napahinto siya ng kumunot ang mata nito. Parang ayaw nitong inaayawan ang gusto nito. HIndi na lang siya nagsalita pa at sinimulan na nito hilutin ang binti niya.
Nakaramdam siya ng kaginhawaan sa bawat himas nito sa kanyang kumikirot na binti. Siya lang ang gumagawa nito sa kanyang sarili at napagtanto niya na mas masarap pala sa pakiramdam na meron ibang tao na gumagawa nito.
She felt guilty dahil nagsinungaling siya rito kung saan niya nakuha ang malaking peklat sa kanyang binti. It was because of the car accident na nangyari sa kanilang dalawa ng ina niya. Bukod sa mga nabaling mga buto at sugat na tinamo niya sa aksidente ay mas grabe ang dinanas ng kanyang ina at humantong ito sa pagka-comatose nito. Nagkaroon sila ng hingi pagkakaintindihan habang nakasakay sila sa kotse at sa isang iglap ay nahulog ang kanilang sinasakyan sa matarik at malalim na bangin.
"Feeling better?" Tanong nito.
"Oo. Hindi na masakit."
Nagtama ang kanilang mga mata. Piangmasdan niya ang kabuuan ng mukha nito. Ilang taon na silang hindi nagkita pero ganito pa rin ang mukha nito noon una at huli nilang pagkikita. Ang malamlam na mga nito at mapulang labi, still the same.
Tila na ramdam nito na tinitigan niya ito. Pinakawalan na nito ang kanyang paa ay ibinigay nito sa kanya ang gagamitin niyang mga damit. "It's my shirt kaya pagtiisin mo muna. Sige, pagpahinga ka na."
Pagkabukas nito ng pinto ay tinawag niya ang pangalan nit. "Salamat."
"Goodnight...Selena."
----------
//Selena POV//
"Good morning. Pasensya ka na at pinakialaman ko na naman ang kusin mo.." Bati niya kay Alonzo na kakagising lang. Naninikit ang mga nito at magulo pa ang buhok.
"Umupo ka na at ititimpla kita ng kape."
Sinunod siya nito at umupo. Inilapag niya ang tinimpla niyang kape. "
"Tinotohan mo yata ang sinabi ko na ikaw na maghahanda ng agahan."
"Hindi naman. Baka lang magpapaluto ka kaya nagluto na lang ako. Kumain ka na."
"Ikaw?"
"Mamaya na ako."
Inusog nito ang katabing upuan. "No. Sit down and have breakfast. Hindi naman kita pinagbabawalan na sabayan ako dito."
"Pero---"
"Ako pa ba ang kukuha ng plato?" Banta nito.
Napabuntong hininga na laang siya. Wala siyang magagawa eh. Kumuha siya ng sarili niyang plato at kubyertos at umupo sa tabi nito. Nagsimula na siyang kumain. Ni hindi sa ayaw niyang makasabay ito, nahihiya kasi siya at sa tagal na mag-isa siyang kumakain ay hindi siya sanay na may kasama.
"The event is tomorrow evening, are you ready?"
"Hindi ko alam. Hindi ako sanay sa mga gathering events."
"Really? Hindi ka ba sinasama ng ina mo sa mga ganyan?"
"Siya naman ang may gusto. Para may ma-discover daw sa akin na modeling agency."
"Pero ako ang kasama mo, is it okay?"
Bakit tinatanong siya nito? "Bakit?"
"I just wanna know. Baka ayaw mo talaga pero dahil inalok kita ng pera, pipilitin mo ang sarili mo."
"Hindi naman iyang ang inaalala ko, eh."
Pinagmasdan siya nito.
"Sa katayuan ng pamilya ko noon, maraming nakilala kina mama at papa. Baka lang na meron makakilala sa akin doon at.. hindi ko alam anong isasagot ko kapag nagtaong sila kung ano na ang estado namin." That's one of her concern ma may makakilala sa kanya doon. Kahit na Ruiz ang ginagamit niyang apelyido noon, tiyak na dahil sa isa siyang modelo noon ay meron pa ibang tao na makikilala siya bilang isang Buenavente at tiyak na malalaman nito na isang mayaman pamilya ay ni isang kusing ay wala na.
"I didn't think so. Hindi naman kasi inisip pa nila ang ibang tao. It's an event gathering for the narcissists. Sarili lamang ang iniisip nila at ibabalandra nila kung ano man ang meron sila. And I don't think na makikilala ka nila. It's been so many years."
"Kungsabagay tama ka."
"Mamayang alas diyes, pumunta ka sa bahay ni Natalia. Pinasasabi niya na kailangan ka niya para sa final fitting."
"Sige."
"And don't worry, hindi naman kita papabayaan kapag kasama mo ako. Just be yourself." Sabi nito nagpatuloy sa pagkain.
Lihim siyang napangiti sa huling sinabi nito. Ang takot at pangamba na nararamdaman niya ay unti-unting nawala dahil rito.