Chapter 35

1689 Words

Gabi na nang makarating si Thummy sa boarding house na tinutuluyan niya. Medyo namasarap kasi sila nang kuwentuhan ng mga kaibigan niya matapos ang pagda-drama niya sa mga ito. Bubuksan na lang sana niya ang gate nang may pumigil sa kaniyang kamay. Kunot-noong bumaling siya sa may-ari ng kamay na pumigil sa kaniya. Automatic naman ang pagbilis nang t***k ng kaniyang puso, nang masilayan niya ang mukha ng lalakeng laman ng usapan nilang magkakaibigan kanina. “Anong ginagawa mo rito?” naiiritang tanong niya kay James. “Hindi ka sumipot sa usapan natin, kaya inabangan na lang kita rito,” tila may pagtatampo sa tinig nito. ‘Eh bakit kasalanan ko bang maghintay ka rito? Sinabi ko bang hintayin mo ako? Saka hindi naman ako nangako ah!’ bulong naman niya sa kaniyang isip. “Oh, ‘di ba’t sinab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD