“Brader! Huyyy!” untag sa kaniya ni Jun, sabay pitik pa nito ng mga daliri sa kaniyang harapan. Tila naman nagising siya sa mahimbing na pagkakatulog sa ginawang iyon ng kaniyang kaibigan. Kunot-noong nilingon pa niya ito. Napabuntong hininga pa siya saka sumandal sa kitchen counter. Mabuti na lang at walang masyadong guest ngayon, kaya puwede silang makapagkuwentuhan ni Jun nang walang istorbo. “Ang lalim naman no’n brad!” wika pa nito sa kaniya, na sinundan pa nito nang pagsipol. “Teka mukhang pusuan ang problema mo ngayon papa James ah,” sabi pa nito sa kaniya, saka siya nito ginaya nang pagkakasandal sa kaharap niyang counter. Bumuntong hininga ulit siya bago magsalita, “Ewan ko brad, nalilito na ako sa nararamdaman ko,” aniya rito. “Wow! Parang si Jaime, o si Jigger , o si Jun ba

