Matapos ang kanilang duty ay sabay-sabay silang nagsipag-ayos ng kani-kanilang gamit sa locker. Kinakabahan na siya ngayon, dahil ilang minuto na lang ay sasagutin na niya si James. Tila bigla siyang na-tense sa idea na iyon. ‘ My Goodness Grace! Nahalikan ka na nya’t lahat, at muntik pang maulit, ngayon ka pa talaga kinakabahan? ’ sermon niya sa kaniyang sarili. “ Uyyy, iyong isa diyan magkaka-love life na! Ayyyiiieee!!! ” kinikilig pang saad ni MJ. “ Awww!!! Nakakapanabik makita ang mga tagpo mamaya. Eeeiii!!! ” sabi naman ni Ayen, at nakipag-appear pa ito kay Angie. “ Kinikilig ako Thum. Tara na sa labas dali! ” Hinila naman siya ni Janice palabas ng kanilang locker. “ Excited lang? Teka naman! ” reklamo pa niya rito habang kinakaladkad siya nito palabas ng BSC. “Huyyy Janice, dah

