“Baby, gusto sana kitang ipakilala sa pamilya ko. Okay lang ba kung umuwi tayo sa amin sa off natin?” tanong ni Grace sa kaniya. Kasalukuyan silang nakaupo sa park na malapit sa tinutuluyan nito, at nanonood ng mga batang nagtatakbuhan sa damuhan. Sinulyapan niya ito sa kanyang tabi at nginitian. “Magpo-propose ka na ba baby? Hindi pa kasi ako ready eh,” pabirong sagot naman niya sa kaniyang kasintahan. Hinampas naman siya nito sa kaniyang balikat na ikinatawa niya. Kinuha niya ang kamay nito at dinala iyon sa kaniyang labi. Kinabig din niya ito palapit sa kaniya at hinalikan sa noo nito. “Oo naman, sige uuwi tayo sa inyo sa off natin,” aniya rito. Tumingala naman ito sa kaniya at nagniningning ang mga matang ngumiti sa kaniya. Niyakap pa siya nito nang mahigpit saka hinalika sa kaniy

