Naguguluhan si James sa isinagot sa kaniya ni Grace nang tanungin niya ito kung okay lang ba talaga ito. Parang nagalit pa nga dahil sa masaya siya ngayon. Bakit ba kasi siya masaya? FLASHBACK... Kasama niya ngayon si Melissa, napag-usapan kasi nilang ituloy ang dating stage nila. Masaya siyang kasama ang babaeng minahal niya ng matagal na panahon. Kitang-kita rin niya sa mga mata nito ang kakaibang kinang ng mga iyon ngayong magkasama sila. Tila may nabubuhay na panibagong pag-asa para sa kanilang dalawa. Aaminin niyang hindi madali ang ginawa niyang pagdedesisyon. But the only way that he knows on how to find out about his feelings for Melissa, is to be with her again. Kaya naman ayan, pinagbigyan niya ang sariling makasama ang babaeng minahal niya ng napakahabang panahon. Napatunay

