Paglabas ni Thummy sa gate ng tinutuluyan niya kinabukasan, ay nakita niyang naghihintay si James sa labas ng kanilang gate. Kunot noong tinignan niya ito. Wala naman siyang matandaang may usapan sila nito. “Anong ginagawa mo rito?” tanong pa niya sa binata. “Aray ko naman! Hindi man lang na-appreciate ang matiyaga kong paghihintay rito.” Umarte pa itong nasaktan sa kaniyang sinabi. “Tigilan mo ako Jaime ha! Ano bakit ka nandito?” muli niyang tanong dito. “Sasabay sa pagpasok,” sagot naman nito sa kaniya saka isinara ang gate ng boarding house niya. “Okay. Tara na!” Yaya naman niya rito. Tahimik lang silang naglalakad patungong sakayan nang makasalubong nila ang ex nitong si Melissa. Napahinto si James at tila nagulat nang makita ang babae. Habang siya naman ay tila pinanlamigan ang

