Chapter 27

1265 Words

Hindi naman busy ngayong araw kaya mabilis lang din natapos ang duty nila Thummy. Nakisabay siya kay Ayen ng bus kagaya ng dati. Buong shift siyang matamlay, dahil pa rin sa nasaksihan niyang eksena kanina bago siya pumasok. Kaya naman hanggang sa makarating siya sa kaniyang boarding house, ay matamlay pa rin ang kaniyang pakiramdam. Pagpasok niya sa kaniyang silid ay agad siyang nagtungo sa banyo upang maglinis ng kaniyang katawan. Pagkatapos ay nagbihis na siya’t nahiga sa kaniyang kama. ‘Magkasama na siguro sila ni Melissa niya,’ malungkot na saad niya sa kaniyang isip. ‘Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Siguro naglalabing-labing na sila ngayon. Siguro masaya sila ngayon. Siguro...’ Mariin niyang ipinilig ang kaniyang ulo, saka isinubsob ang mukha sa kaniyang unan. ‘Eh ano naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD