Nang matapos ang duty nila Grace at Janice ay sabay na silang nag-ayos ng sarili sa locker. Itinupi niya ang kaniyang uniform saka isinilid iyon sa kaniyang bag. Maya-maya pa’y narinig niyang magsalita si Janice. “So hindi ka na sasabay sa akin? ” tanong ni Janice sa kaniya habang nag-aayos. “Hindi na! ” malapad naman ang pagkakangiting sagot niya rito. “Hmmm, siya sige. Humayo ka’t magpakarami, ” humagikhik pa ito pagkasabi niyon sa kaniya. “Loka, ‘wag muna. Hindi ko pa naman sinasagot eh saka na, ” pakikisakay niya sa biro ng kaibigan sabay bungisngis pa niya. Pabirong hinampas naman siya ni Janice sa kaniyang braso. “Wait a minute, kapeng hot. Bakit ang ganda mo today? ” tanong naman niya rito. Napansin niya kasing blooming ang kaniyang kaibigan. Kakaiba rin ang kinang ng mga

