Damn you Tyrone!
Free time. Nasa cafeteria kaming dalawa at kumakain while I'm busy scribbling on my mini notepad.
"Ano 'yan?" tanong ni Tyrone at sinisilip ang aking pinagsusulat habang panay siya subo ng fries.
"Our rules." sabi ko.
"Rules?"
"Yep!" Ipinakita ko sa kanya iyon. Ngumiwi naman siya.
"Ba't may bawal manlalake, bawal mangbabae? Pinagbabawalan mo ba akong lumandi? Bawal akong manlalake?" iritado niyang tanong.
"Of course not. That's mine. Bawal akong manlalake tapos bawal ka rin mambabae. Dapat kunwari we're loyal. Kasi, the loyal ang couple, mas maraming naaattract na mga ahas. Edi benefits mo parin kasi di naman ako interesado sa boys. Sa'yo parin ang bagsak nila dahil kunwari ayaw mo akong isuko. They will chase me. Tapos ikaw todo bakod sa akin. Mga lalake na mismo ang lalapit sa'yo. You don't have to chase them." I smiled proudly at him.
Tumango tango naman siya. "Sabagay maldita ka, walang lalapit sa aking babae dahil takot masabunutan. Good girl!" parang inipit na boses niyang sabi.
"Rule number 2. Bawal kang maging babae pag nasa public tayo. You'll ruined our plans! Dapat, pag tayong dalawa lang, pwede kanang mag-inarte."
Tumango-tango naman siya at sumubo ng fries.
"Itong 3 naman, dapat act as normal couple tayo." Itinuro ko ang sunod na bilang.
Tumango ulit siya. Mukhang ang amo niya ah? Dapat sinali ko ang yes to kissing, hugging, and romance!
"Pero no to kissing ha. Kadiri 'yon." pahabol niya na ikinawasak ng imahinasyon ko. Fine! Tsk.
"Kadiri rin 'no. Akala mo naman gusto kong makipaghalikan sa gay." Kunwari diring diri pero gustong gusto pala. That's one of my fantasies!
"Pero if needed..." pahabol ko naman na ikinabusangot niya na talaga.
"Hindi pwede. Susukahan kita." pagbabanta niya.
"Grabe ang arte mo. What if mapunta tayo sa situation na kailangan nating magkiss?" Sige na naman!
"Kadiri! Nangingilabot ako!" nangisay siya sa kanyang upuan na ikinahampas ko talaga sa kanyang dibdib. s**t ang tigas! Gagawin ko talaga itong habbit ko sa kanya!
"Aray ha. Kinakawawa mo ang n*****s ko," madrama niyang nasapo ang dibdib.
I rolled my eyes at ipinasok na iyong notepad sa aking purse saka rin kumain. But of course, nagtake advantage ako! I took my phone out at nagpicture kami. Bigla ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinabusangot niya. Ano ka ngayon Ellie? Hindi siya mukhang nandidiri sa picture! That's good. Nakabusangot nga lang.
"Pinagsasamantalahan mo ang pagiging babae ko," maarte niyang sabi na ikinahalakhak ko lang.
"Marupok ang mga babae kaya dapat marupok ka rin." ngumisi ako at kinuha ang hawak hawak niyang nakagatan na fries saka iyon isinubo sa akin.
"Marupok ako sa lalake." sabi niya pa.
"Dapat sa akin rin! I'm your girlfriend!"
"Di kita type 'no," umirap siya at sumubo ulit ng fries. Bumusangot ako. H'wag ka talagang matulog sa tabi ko Tyrone kundi ako mismo ang bubuntis sa'yo.
Tatlong oras iyong breaktime namin kaya sobrang nakakabagot. Siguro kung hindi ko kasama si Tyrone namatay ako sa boredom. Second year narin kasi si Celina at walang panahon sa ibang bagay.
"Sino iyang katext mo?" Dinungaw ko ang cellphone ni Tyrone. May katext!
"Lalake mo?" Sumimangot ako at handa ng sumabog nang umiling siya.
"Kapatid ko. May pinapakuha sa akin sa bahay." Tumayo siya kaya tumayo rin ako. "Gaga rin iyon! Ginagawa akong utusan!"
"Uuwi ka?" tanong ko sa kanya at kinuha na ang purse ko dahil mukhang aalis talaga ito.
"Oo naman. Malalagot ako sa babaeng iyon pag di ko siya sinunod."
Okay? Alipin siya ng sarili niyang kapatid? Ganoon na ba talaga siya kabakla na imbes siya ang nasusunod, siya ang napapasunod?
"Sama ako," hirit ko agad.
"H'wag nga!"
"Sama ako! Since parehas tayo ng sched. Ayokong tumunganga rito." Hinawakan ko ang kanyang braso na ikinangiwi niya agad.
"Bitaw nga."
"Arte mo ha!"
Nagbabangayan kaming dalawa habang palabas. Doon lang ata kami natigil nang tuluyan kaming makalabas at nakasakay ng taxi.
"Babae ang kapatid mo?" tanong ko.
Umiling siya habang nasa cellphone ang tingin. Nirereplayan niya ata.
Ah kaya pala naaalipin kasi lalake. Buti hindi nahawa sa kanya?
Malapit lang ang kanilang bahay. Malaki iyon at 3storey ata. Combinasyon ng gray at puti iyong kulay sa labas. Pakiramdam ko tuloy girlfriend niya talaga ako at maglalandian kami sa kanyang kwarto kaya niya ako dinala rito.
Pumasok kaming dalawa.
"Maghintay ka dito. Mabilis lang ako sa taas." pormal niyang sabi. Hindi pumipiyok!
"Okay."
Tumakbo rin naman siya paakyat. Napapansin ko may mga cctv sa kanilang bahay. At masyadong tahimik. Maganda ang loob at malinis. May malaki pang frame sa may pader kung nasaan ang hagdan patungo sa itaas. Kinuha noon ang aking atensyon. Dalawa lang silang magkakapatid na naroroon. Nasaan iyong lalake?
Tumayo ako at umakyat sa ikatlong hadgan para matitigan lang iyon ng mabuti. Maganda ang babae niyang kapatid. Nakangiti ng tipid at nakalugay ang wavy hair. She has this resting b***h face na kahit ngumiti siya ng tipid ay nangingibabaw ang cold niyang tingin. Ang layo layo nila ni Tyrone. He's smiling widely unlike her sister. Mas masayahin pa ata siya kaysa roon.
"Tigas rin ng ulo," nailing siya nang makita ako rito sa hagdan. May dala na itong paperbag.
"Wait, I thought..." Itinuro ko ang malaking frame na ikinailing niya lang at hinila na ako pababa. Oh hell. He's holding my pulse!
Napalunok ako ng laway at hindi na maalis ang tingin roon. Kinuha niya pa ang purse ko sa kanilang couch saka kami lumabas.
"Ako na magdadala nito ha. Bet ko," iniangat niya ang aking purse at ngumiti na ng matamis. My poor Tyrone. Why are you like that?
"Ikaw nga bahala. Para naman mapakinabangan kita." naiinis kong sabi pero deep inside mukhang tunay na boyfriend na ang tingin ko sa kanya. He's carrying my things!
Pumunta kami sa isang school. Iniwan nalang namin iyong ID sa gate at isinuot ang visitors para makapasok kami.
Maraming nagtitinginan sa amin. He's still holding my pulse while pulling me. Ako na iyong may hawak noong paperbag na may lamang damit at... napkin?
Papasok narin sana siya sa girl's lockroom kaya agaran ko siyang hinila.
"Bawal ang boys diyan." sabi ko na ikinaangat ng kilay niya.
"Babae naman tayo ah?"
Oh great. Grabe na talaga iyang pagfefeeling niya.
"Gusto mo bang pahiyain ang kapatid mo? Mabubully siya dahil bakla ang kuya niya."
"Di iyon binubully dito."
"Ako nalang ang magbibigay. Just stay here." Sinamaan ko siya ng tingin na ikinasimangot niya.
"Tawagin mo ng Santiago. Pag lumingon at nakabusangot, kapatid ko na 'yon." Itinulak niya ako ng tuluyan papasok sa locker room kaya itinuon ko rin ang buong atensyon sa harap.
Maraming mga nagbibihis na babae sa loob. Kadalasan mga volleyball players. So athlete ang kapatid niya?
"Santiago?" I called.
Lahat napalingon, pero hindi iyon nagtagal sa akin at may nilingon rin silang babae sa dulo, nakaupo iyon roon at walang ekspresyon ang mukha. Is she a loner?
Naglakad ako patungo sa kanya. Her eyes settled on me. Ang cold naman ng kapatid niya. And she's wearing a jersey. Unlike sa iba na fit, sa kanya ay loose at may suot ring short na hanggang tuhod niya ata unlike sa iba na halos maging cycling na. Okay? She's a bit weird.
"Nasan ang kuya ko?" tanong niya nang inilahad ko sa kanya ang paperbag.
"He's outside. I am your kuya's girlfriend."
"Girlfriend?" hindi kumbinsido niyang tanong na ikinatango ko. The way she stares at me... I hate it.
"Eh mas babae pa iyon sa'yo." she said coldly and stood up.
Ngumiwi ako. So she knew that her brother is gay? And what's with her? Bakit masyado siyang creepy? There's something about her.
Kinuha niya sa akin iyong paperbag 'tsaka rin umalis sa harapan ko. I even saw the stain on her jersey short. Di man lang nagthank you! Kung hindi lang iyon kapatid ni Tyrone baka nahila ko na ang buhok niya.
Lumabas ako roon. Naabutan ko pa si Tyrone na nakahalukipkip at nasa may braso na ang aking purse, nakasabit iyon roon habang panay ang pagtapik ng paa niya sa sahig.
"H'wag mo ngang suotin ng ganyan." Hinila ko iyon pababa hanggang mapunta iyon sa kanyang kamay.
"Ibinigay mo na?"
"Yeah. And she didn't even bother saying thank you. And your sister is very cold, Tyrone." I rolled my eyes heavenwards.
"Ganoon talaga iyon. Boyish." sabi niya.
Boyish? What the heck. Nagkapalit sila ng katauhan ng kapatid niya?!
"She's a tombo-"
"Boyish. May crush na babae at boyish." putol niya sa akin na ikinagulantang ko. Oh my God. So nagkapalit sila ng katauhan ng kapatid niya?
Siya na mismo ang nagtulak sa aking baba para maitikom ko lang iyong pagkakalaglag ng aking panga.
"H'wag kang overeacting. Di ka rin naman perpektong anak." sabi niya na ikinataas ng aking kilay.
"But at least I'm straight! I mean, babae talaga ako."
"Hindi rin. Ugali mo para kang bruha." nailing iling siya at pumipilantik pa ang kamay. Sa inis ko, hinampas ko ang kanyang dibdib na ikinagulat niya naman.
"Mapanakit!" he pulled some strands of my hair. Iyong ulo ko parang natangay rin pababa dahil sa paghila niya.
"Ouch! You can't do that to your girlfriend!" Inis na inis kong hinampas ng malakas ang kanyang dibdib na halos maramdaman ko na kung gaano iyon katigas. Iyong mukha niya lang ang overeacting.
"Aray! Magkakabreast cancer ako diyan sa ginagawa mo!"
"You pulled my hair!" bwelta ko naman, kapwa matalim ang tingin sa isa't isa.
"Oa! Ang hina lang noon! Para lang akong nagdoorbell!"
"Still, you can't do that to me because I'm your girlfriend!"
"Malalandi," natigil lang kami ni Tyrone dahil sa malamig na boses na iyon. Kapwa kami napalingon sa kakalabas lang na kapatid niya. Nakahalukipkip, walang ekspresyon ang mukha.
"Sis, nakapagchange kana ng napkin?" ngiting ngiting tanong ni Tyrone na ikinatalim ng tingin noong kapatid niya.
"Andy, Tyrone." pagtatama nito.
"Tyra, Endy. Tyra," pagtatama naman ni Tyrone.
Okay? Magkapatid nga ang dalawang ito. And his sister has an attitude! Suplada!
Base sa pagkakaestima ko sa babaeng ito, I'm 3years older than her. Third year na ito at hanggang balikat ni Tyrone. Siya iyong babaeng kahit walang suot na make-up ay lumilitaw parin ang kagandahan. She has a mole on her face too like her brother. It was located on the side of her eyes.
Kung hindi lang may naghalf-jog na lalake at huminto sa aming harapan, hindi maaalis ang tingin ko sa kanya. Napakurap ako sa lalakeng nakayuko at nakatukod sa magkabilang tuhod ang kamay. And he's holding a pack of napkin!
"Endy, here. Nabalitaan ko natagusan ka raw." Inilahad noong lalake ang hawak niya sa kapatid ni Tyrone na wala man lang ekspresyon ang mukha.
Naningkit agad ang mga mata ni Tyrone. Matalim na ang tingin roon sa lalake. Pero bago pa siya makareact, nauna nang malaglag ang aming panga nang tinabig iyon ng kanyang kapatid at nahulog sa sahig. Oh God. She's rude.
Napatingin ako sa ekspresyon ng lalake na ngumisi lang. May suot itong isang earring sa kabilang tenga na kuminang rin dahil sa nakakaakit niyang ngiti.
"Stop pestering me, Kazi."
Humalakhak ang lalake, nakahawak sa batok.
"May period ka nga. Init ng ulo," he whistled.
Nilingon ko si Tyrone na nakatunganga lang. Syempre, gwapo eh.
"Kuya," nilingon siya ng kanyang kapatid. "Labas na kayo ng girlfriend mo."
I love this girl! Magkakasundo kami nito!
"Do you like something? Ice cream? Chocolates? Anything sweet? Or my lips?" tanong noong Kazi na humalakhak na kakabuntot sa kapatid ni Tyrone na naglalakad na paalis.
Binalingan ko muli si Tyrone na nakabusangot na. I snap my fingers in front of him.
"Tara na daw. Labas na tayo." sabi ko.
"Akin dapat talaga ang katawan na iyon eh. Dapat akin iyong mukha niya. Ako sana ang hinahabol ngayon."
Seriously Tyrone?
"Malas mo, let's go na nga!" Hinila ko ang kanyang braso paalis. Naririnig ko rin ang ibang estudyante na topic iyong 'Kazi' na transferee pagkatapos magtransfer noong 'Santiago' daw. Mas naunang nagsimula ang school year ng mga highschool unlike sa college. So ibig sabihin, kakalipat lang noong kapatid niya rito?
"Transferee ang kapatid mo?" tanong ko sa kanya nang makasakay na ulit kami ng taxi.
Tumango siya. "May sinuntok sa dating pinagpasukan niya. Ayun nakick-out."
"Ako rin kaya, noong elementary ako may sinuntok ako na kaklase ko. She's so nosy at sinasabing panget daw ang suot ko kaya iyong mukha niya ang nakatikim sa akin dahil sira na eh."
Ngumiwi siya sa akin. "Lalake ang sinuntok ng kapatid ko. Dumugo ang ilong."
Okay? She's really a boyish. Di ko na ata kaya iyon. Sa mga girls lang naman ako napapaaway. Boys love me!
Pero halatang habulin ng lalake ang kapatid niya ha. Mukhang sikat sa school iyong 'Kazi' na hinahabol siya.
Natampal niya ang kanyang noo bigla.
"Nagdala ako ng babae sa bahay!" tili niya sa loob na halos ikinawala ng preno noong taxi driver.
"Minimize your voice!" I slap his chest.
Sinamaan kami ng tingin noong taxi driver kaya sinamaan ko lalo ng tingin si Tyrone na nasapo na ang noo at pinaypayan pa ang sarili.
"Lagot ako sa aking ama! Mababaril ako!" Madrama niyang sabi na ikinangiwi ko.
"Mas malalagot ka kung lalake ang dinala mo." sabi ko.
"Gaga! Police ang ama ko! May pinakamataas na ranggo!"
How come na naging bakla siya eh ganoon naman pala ang Dad niya?
"Whats the matter then?" tanong ko.
"Nag-aaral pa ako! Bawal ako sa lovelife! Strict siya sa'kin!"
"Oa mo. Akala mo naman ikaw ang babae." natawa ako.
Umirap siya pero balik ulit sa pagdadrama.
"Strict siya sa amin ni Endy. Bawal daw muna lovelife kundi mababaril niya raw ang lalake namin!"
Natampal ko na talaga ang aking noo. Bakit niya ba sinasali ang kanyang sarili eh halatang para iyon kay Endy?
"Alam ba ng Daddy mo na ganyan ka?"
"Anong ganyan?"
"Ganyan! Bading! Bakla! Feeling babae- Ouch!" Nahampas ko na talaga ang kanyang dibdib nang pinitik niya ang aking labi.
"Babae ako." pagmamalaki niya at may kung anong isinabit pa na hibla sa gilid ng kanyang tenga kahit wala naman.
"Pero hindi alam ni Dad na nagkapalit kami ng katauhan ni Endy. Na dapat ako ang prinsesa niya at si Endy dapat ang kuya." Bumusangot ang kanyang mukha na ikinabusangot ko rin. Naiinis ako diyan sa sinasabi niyang prinsesa siya.
"Oh edi mabuti! Hindi maghihinala ang Dad mo na ganyan ka kasi may girlfriend ka."
"Gaga ka rin! Iyon na nga eh. Ayokong girlfriend ang ipakilala ko. Boyfriend dapat!"
Naging matalim na talaga ang tingin ko sa kanya. I'm gonna murder him.
"Mabibitay ako nito," nailing iling siya at may pa tampal tampal pa ng noo tapos nangingisay.
Gusto ko na talaga siyang pamisahan. Gusto kong ipagdasal na sana magtino ang lalakeng ito dahil naiimbyerna na ako sa kaartehan niya. Mas maarte pa siya sa akin! Mas babae pa gumalaw! Damn you, Tyrone!