After college Nadatnan ko si Tyrone sa kanyang silya na busangot na busangot ang mukha. Wala ito sa kanyang sarili kaya sinamantala ko agad iyon. Hinalikan ko ang kanyang pisngi ng mabilis. "Morning Tyrone!" I smiled at him merrily. Siya naman itong gulat na gulat at hawak ang kanyang pisngi. Para talaga siyang babae kung mag-over react. "Bruha ka. Umagang umaga ang landi landi mo na." inis niyang sabi sa akin sa mahinang boses. Umupo ako sa kanyang tabi, palipat lipat ang tingin sa kanya at sa pag-aayos ng gamit ko sa aking desk. "It's been 10 hours since the last time we met. So, namiss kita." sabi ko sa kanya na ikinangiwi niya. He's fixing his hair kaya natatangay rin ang aking mata roon sa bawat paghawak niya roon. "Kagabi pa kita iniisip. Si Dad gusto kang imbitahan sa dinner m

