Warning: SPG Barn House Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng init habang tinitingnan siyang galit na galit. Medyo natatawa pa ako sa pinanghuhugutan niya ng kanyang inis at akala mo ay sasabog na ano mang oras. Humalukipkip ako. "Bakit galit na galit ka pagdating sa akin pero noong kayo ni Harel tuwang tuwa ka pa sa paninitig sa ibang dibdib ng mga babae. Hindi ba at unfair iyon? You're not treating us girls fairly." Umarko ang aking kilay sa kanya. "Lalake ako Anne... Natural na matukso kaming tumingin sa mga ganoong bagay." Umamin na talaga na m******s din siya! "Edi inamin mo rin na tiningnan mo talaga!" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "H'wag mong baliktarin ang sitwasyon. Akala mo ba hindi ko nakita iyong paghawak ng lalake sa mga braso mo?" Tumalim ulit ang kanya

