Sa Akin Naman Kinaumagahan, nadatnan ko nga si Tyrone sa Barn House, buhaghag ang buhok at topless pa habang may hawak hawak na mug ng kape roon sa hinihiligan niyang pinto ng isang kuwadra. Bumaling siya sa akin habang pumapasok ako suot ang aking simpleng cream na dress. Umangat ang kanyang kilay at tumagilid pa ang ulo, tila sinisilip ang above the knee kong suot. Medyo nag-iingay ang ibang kabayo at ang iba ay naghihintay lang ata na ilabas sa kanya-kanya nilang mga kuwadra. Sumalubong sa akin ang amoy ng loob. It smells like old horses and uh... Tyrone's scent? Iginala ko ang aking mga mata. Where's Daddy? Nasa loob parin ba siya ng mansyon? Kanina ay nagserve siya ng pagkain sa kusina at panay ang halili kay Mommy na dinidedma lang rin naman siya. "Ba't ka nandito?" tanong ni

