Bagsak Saksi ako sa pagiging matiyaga ni Daddy kay Mommy. Palagi niya itong sinusundan sa tuwing may lakad sila ni Lola. Nagsisilbi itong guard ni Mommy at halatang naiistress rin si Daddy. Biruin mo, may dumadayo rito na mga kliyente ni Lola, mga Engineers, Architect at kung ano ano pang businessman at si Mommy lamang ang sadya! And Lola was inviting them inside the house, marahil ay gusto niya ring inisin si Daddy. "Nakita mo iyong isang panot na Engineer at gustong ligawan si Tita Vana?" tawang tawa na sabi ni Ayeselle nang may mamataan kaming matanda na pumasok sa bahay at nagbibirong manliligaw raw kay Mommy. "Isang ubo nalang ata at sasakabilang buhay na iyon eh!" si Abrielle naman na nakipaghalakhakan kay Ayeselle rito sa pool. Tiningnan ko ang high windows na makikita lamang

