TYRONE ALEXANDER SANTIAGO’S UNTOLD PART Twisted Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang lahat. Katulad ng pagkakalito ko noon sa aking kasarian, nasa gitna ako. Hindi ko alam at naguguluhan ako sa biglaang pambabaliktad sa akin ng aking puso. At ngayon, nalilito ako sa pinaparamdam sa akin ng isang babae. "Please... Tyrone... I want you mine... Maging lalake ka nalang please..." Ang halik niya ay sabik at malalim. Ikatlong beses na ito. Noong una, gulat na gulat ako. At ngayon na lasing na ulit siya ay ganito na naman. Sinubukan ko siyang ipirmi. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi ko alam kung masyado siyang malakas o ako itong masyado nang nanghihina. Sa tuwing nakakapasok kami sa kwarto ko, sa tuwing iniuuwi ko siya rito ay nagiging iba agad siya. Di ko alam kung dahil lang b

