Real Family "Hi, Sir Tyrone!" Bati sa akin ni Cherry nang magawi ulit ako sa kusina. Ngumiti ako sa kanya. "Buti po at dumalaw ulit kayo." "Namiss ko si Anne." Tumawa ako na ikinatawa niya. "Grabe naman po. Eh lagi kayong nagkikita ah?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi at kumuha ng maiinom. "Nililigawan niyo na po?" Umiling ako at nagtungo roon sa sink. Naghuhugas ulit ito. "Hindi pa nga eh..." "Bahala po kayo, pag iyon nakahanap ng iba..." "Imposible. Nabulag na 'yon sa'kin. Di na 'yon makakapaghanap ng iba." Tumawa siya sa aking sinabi at hinampas ng marahan ang aking braso. "Nakakatawa naman po kayo, Sir." Ngumisi ako sa kanya. Sakto namang pumasok si Anne, malatigre na ang tingin na akala mo ay mangangalmot na ano mang oras. Selos na naman? Gusto ko rin naman kasing n

