Bisita I was more getting curious after our little talk. Di narin kasi siya nagshare at iyon lamang ang kanyang sinabi sa akin. Ayaw ko rin namang magtanong kay Lola lalo na't after sa nalaman ko, na she hated Mommy back then, mas lalo lamang akong natakot sa kanya. Pero hindi ba at nakakapagtaka na hinayaan niya nalang tumira sa bahay si Mommy? Maybe she cares for Mommy pero di lang naipaparamdam dahil pinapangunahan rin ng galit. Is that it? Ang hirap rin naman kasing basahin ni Lola! Early in the morning, nakabusangot na si Ayeselle habang nakahalukipkip sa pool's area. "Anong nangyari?" tanong ko lalo na't di na maipinta ang kanyang mukha. "Lola bought some dogs since nahuli siya kagabi na nagsneak-out na naman," ani Ashtraia na may kinakaing prutas doon sa upuan. "Alam mo bang

