Memories Sa mga nagdaang araw na pamamalagi ko roon, nasisilayan ko na halos ang kapilyahan ng apat at ang pagiging strikta ni Lola. Si Mommy naman ay nagkukulong sa kuwarto at h'wag ko raw disturbohin. "She's coming! Lagot ka, Arkaine!" natatawang sambit ni Abrielle at panay ang lingon kay Lola na bumababa na ng hagdan lalo na't natatanaw rin namin dito sa pool area. Klaro ang loob dahil sa high windows at nakatali pa ang bawat kurtina. "Bilis!" Itinapon ni Ashtraia ang lalagyan ng chewing gum kay Arkaine na agad niyang nasalo. Kumuha siya ng isa roon habang ang tatlo naman ang look-out sa paglabas ni Lola. "Nasa may pinto na!" si Ayeselle. Mabilis na itinago ni Arkaine ang kanyang pakete ng sigarilyo at nginuya ang chewing gum. Tahimik ko silang pinapanood lalo na't nagmistula agad

