Background Nalunod ako sa aking iniisip kahit nakapikit ang aking mga mata at hirap patulugin ang sarili. I am thinking if my Mom still love him. Siguro mahal niya pa naman, hindi iyon kadaling mawala lalo na't mahaba ang kanilang pinagsamahan. Natatakpan lang siguro ng galit ang pagmamahal niya kay Daddy ngayon dahil iyon ang mas nangingibabaw sa kanya. "Malapit na tayo," sabi noong tauhan sa akin nang tuluyan ko nang imulat ang aking mga mata. Binigyan ako ni Mommy ng makakain. Tinanggap ko iyon at kasama ko siyang kumakain ng sandwich habang ang aking mga mata ay nacucurious sa mga matatayog na puno na aming nadadaanan. "Everything you see belongs to Mama," sabi niya na ikinagulat ko. Puro puno ang aking nakikita. Marami iyon at mukhang sa sobrang lawak ng lupain ay puro puno ang

