Bitter I stared at them weakly. Sinikap kong alalahanin ang mga bagay na pinaggagawa niya para maibsan ang nararamdaman kong guilt, para masalba ako sa panglulunod ng aking konsensya. Hindi ko matanggap... Nilalamon ako ng galit at pagkasuklam. "Pero siniraan niya ako kay Mommy, Daddy... She said lies about Tyrone! Kaya nagalit ng husto si Mommy sa akin!" Napalingon si Daddy sa akin. Si Cherry naman ay luhaan akong sinulyapan. "Dahil hindi naman kayo 'di ba? Ang gusto ko lang naman sanang sabihin sa Mama mo noon ay gabayan ka dahil baka maaga kang mabuntis, Anne... Pero wala naman ako sa posisyon kasi nga katulong..." "You told Mommy that Tyrone likes you! Iyon ang sinabi mo!" mas matigas kong sabi. "Sinabi ko iyon para malaman ko kung talaga bang kaya ka niyang ipaglaban lalo na't

