bc

The Runaway Mom

book_age18+
17.5K
FOLLOW
69.9K
READ
revenge
possessive
escape while being pregnant
manipulative
badboy
others
drama
bxg
small town
naive
like
intro-logo
Blurb

Honey Lou Andrade went to Australia to start a new life with her daughter. She thought she would stay in the country forever, but it changed when Gregory took her daughter away from her that made her upset. She thought she would never see her daughter again so she made up her mind that her daughter deserves a better world that she couldn't provide.

But things had changed when Gregory took her back in the Philippines, the country she never wished to step in again.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula It’s been five years since I left the Philippines. Naging mahirap at sobrang laking adjustment ang ginawa ko para lang mabuhay sa bansang ito. I am trying to live my life here in Australia dahil alam ko na hindi na lang sarili ko ang inaalagaan ko. Limang taon na rin ang nakalipas mula nang iwan ko ang Pilipinas. Limang taon na rin akong namuhay ng normal. Kahit na marami akong pinagdaraanan sa buhay ay binigyan pa rin ako ng diyos ng blessing na nagbigay buhay ulit sa akin. Kahit sobrang sama na ng tingin sa akin ng iba, binigyan pa rin ako ng pagkakataong magbago. Nagsimula ako bilang isang babae na kilala bilang mag-aagaw kahit ang totoo ay wala naman akong inagaw dahil alam ko sa simula pa lang ay wala naman siyang nararamdaman sa akin. Isa lang naman akong babae na gusto lang din na mahalin pabalik pero ang katawan ko lang ang gusto niya at hindi ang pagmamahal ko. Hindi ko ginusto ang maging babae niya at naiipit lang ako sa sitwasyon noon. Patago ko lang siyang minahal pero hindi ko akalain na humantong na maging parausan niya ako, kapalit ng kalayaan ng inosente kong tiyahin. Nahihiya ako para sa sarili ko lalo na nang mahuli kami ng fiancee niya na nagtatalik kami. Iyon na sana ang huling pagkakataon na makita ko siya dahil napagdesisyonan ko na noon na umalis at magpakalayo-layo dahil alam ko na mali ang ginagawa namin. Pero hindi ko akalain na sa gabing iyon ay mahuhuli kami. Hindi ko akalain na makakasira ako ng isang relasyon. Simula no’n ay hindi ko na siya muli nakita. Hindi ko na rin siya sinubukang habulin lalo na nang malaman ko na may nabuo sa tiyan ko. Hindi ko ginusto ang mabuntis lalo na’t hindi pa ako tapos sa pag-aaral pero walang kasalanan ang bata sa pagkakamali ko. So, hinayaan ko siyang lumaki sa tiyan ko na hindi ko pinagsisisihan. “Mommy…” Natigilan ako sa aking ginagawa nang makita ko ang anak ko na papalapit sa akin dito sa kusina. Suot niya ay pajama habang yakap-yakap niya ang kanyang paboritong stuff toy, ang Pooh. Itinigil ko ang pagluluto ko at hinarap ang anak. Nagluluto kasi ako para sa maging hapunan namin. “What is it, baby?” tanong ko sabay haplos sa kanyang buhok. “Mommy, can I have a fried chicken for dinner?” mahinhin na tanong sa akin ng anak ko habang nakanguso. Ngumuso ako saglit at sinulyapan ang nasa stove. “I was actually cooking a soup, but if you want, I will cook it for you.” Pumalakpak ang anak ko at agad nagpabuhat sa akin upang maiupo ko siya sa high chair. Ang aking anak na si Honey Grazer Andrade ay tanging naging pamilya ko. Siya ang nagpabago sa buhay ko. Siya ang nagsilbing kulay sa madilim kong mundo. Lahat ay nakuha niya mula sa kanyang Ama kaya hindi maitatanggi na anak siya ni Gregory. Ang tanging nakuha lang sa ‘kin ni Grazer ay ang mata kong kulay bughaw. Ang anak ko ang dahilan kung bakit ako narito. Gusto kong layuan ang Pilipinas dahil marami akong mga hindi magandang alaala roon. Gusto ko rin bigyan ng magandang buhay ang anak ko kaya lahat kinakaya ko. Masaya ako na mamuhay ng payapa kasama siya at mabuti at walang interes ang mga Sanchez sa anak ko kaya hindi nila kami hinanap. Iyon lang ang kinakatakutan ko, na baka isang araw wala na sa bisig ko ang anak ko. Naglakad ako patungo sa refrigerator at akmang bubuksan ko na sana nang may biglang kumatok sa pinto. Nanatili ang kamay ko sa hawakan ng refrigerator habang tinitingnan ang anak ko na ngayon ay tinuturo na ang pinto. “Mommy, door!” Tumango ako at binitiwan ang hawakanan. Hinugasan ko ang kamay ko bago naglakad patungo sa sala. Saglit akong nairita dahil patuloy pa rin sa pagkatok na parang nagmamadali. “Saglit, please!” I almost shouted. Lakad-takbo ako hanggang sa makarating sa may pinto. Binuksan ko ito at sinilip kung sino ito. Akala ko ay namamalik-mata lang ako pero nataranta ako nang makita ko na may kasama siya na mga tauhan niya. Akmang isasara ko na sana ang pinto nang tinulak ng mga tauhan niya kaya nabuksan nila ng malaki ang pinto. Napasinghap ako at napaatras. Nagsimulang nanginig ang katawan ko sa takot at agad naisip ang anak ko na inosenteng naghihintay sa ‘kin sa kusina. Bumilis ang t***k ng puso ko nang tuluyan na silang nakapasok. Isa na roon si Gregory na ngayon ay galit nang nakatingin sa akin. “Dito ka lang pala nagtatago,” sarkastiko niyang sambit sabay libot sa buong condo unit ko. Napalunok ako at hindi na makagalaw sa aking kinatatayuan. Nang nilingon niya ako ay mas lalong dumilim ang tingin niya. “Kukunin ko ang anak ko, where is she?” Namilog ang mata ko sa tanong niya. Bumilis ang paghinga ko lalo na nang halughugin ng mga tauhan niya ang buong unit ko. Agad-agad kong hinarang ang sarili nang balak niyang magtungo sa kusina. “N-No!” My voice trembled. “Please, hayaan mo na siya sa ‘kin!” Marahas niyang hinawakan ang braso ko at itinulak kaya napaupo ako sa couch. Agad akong tumayo at sinundan siya habang sumisigaw. “Greg!” “Mommy!” Nahihimigan ko ang takot sa anak ko kaya mas lalo lang akong nagpupumiglas na lumapit sa anak ko ngunit may isang kamay na pumigil sa ‘kin. Sinubukan kong makawala sa kanyang hawak pero masyado siyang malakas. “Get the child,” utos niya sa dalawa niyang kasama habang nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa braso ko. “Huwag!” sigaw ko at nagsimulang umiyak. Nakita ko ang inosente kong anak na naglalakad na patungo sa ‘kin kaya ginamit ko ang buong lakas ko upang makalapit sa anak ko. Nang makawala ako kay Greg ay mabilis akong lumapit sa anak ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Nagtuluan na ang luha ko sa aking mata habang nakayakap sa anak ko. “Baby, please don’t leave me…” Sumikip ang dibdib ko matapos sabihin iyon. Hindi ko kaya mawala sa akin ang anak ko. Siya na lang ang natatanging pamilya ko. Hindi ko isusuko ang anak ko sa walang kuwentang lalaki na walang ibang iniisip kundi ang sarili niya. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa anak ko nang sinubukan nila kaming paghiwalayin. Nagsimula na ring umiyak ang anak ko habang humigpit ang hawak sa akin. Umalingawngaw ang iyak naming dalawa dahil lang sa walang puso na si Gregory. Nang magtagumpay silang paghiwalayin kami ay kinarga ito ng isang lalaki. Ang anak ko ay umiiyak habang pinagpapalo ang balikat ng lalaki. Nakahandusay na ako sa sahig dahil sa panghihina pero nang makita ko na papalabas na sila ay mas lalo akong nataranta dahil baka hindi ko na ulit masilayan ang anak ko. Agad kong hinawakan ang paa ni Gregory habang nasa sahig pa rin ako. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at sinalubong niya ako ng isang madilim na tingin. Napalunok ako at pinunasan ang luha sa aking mata. “Please, Greg! Huwag mong kunin ang anak ko!” pagmamakaawa ko. “Hindi mo siya anak! Hindi mo siya anak!” Umiiling ako habang sinasabi ko iyon. Umupo siya at hinawakan ang baba ko. Saglit niya akong tiningnan bago hinaplos ang maputla kong labi. “Genes don’t lie, and don’t you dare beg, woman! This is your fault. After what you did five years ago? I won’t let you see my daughter again.” Binitiwan niya ang baba ko at tumayo na. Saglit akong natulala at hindi nakapagsalita. Narinig ko ang kanyang malalim na hininga bago ako iniwan mag-isa dito sa kusina. Umalis sila kasama ang anak ko. Gusto lang naman kumain ang anak ko ng fried chicken pero kahit ‘yon lang ay hindi ko maibigay. Sinapo ko ang dibdib ko nang sumikip ito. Halos hindi na ako makahinga at nawalan na ng lakas sa katawan. Ang luha ko ay nagpatuloy pa rin sa pagtulo. Napahawak ako sa ulo ko nang biglang umikot ang mundo ko at lumabo ang paningin. Ang huli ko lang natandaan ay sigaw ng isang babae bago ako nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook