“Mommy, I want to ride a boat!” sambit ni Grazer at hinihila ako patungo sa may bangka na nakatambay. Umawang ang labi ko nang maalala ko na naman ang kagabi. Tumigil ako sa paglalakad kaya nabitiwan ako ng anak ko. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. “Mommy, what’s wrong?” takang tanong ng anak ko at bumalik patungo sa ‘kin. Hinawakan niya ang kamay ko at pilit hinila patungo roon. “Mommy, let’s go!” Nagbaba ako ng tingin sa anak ko at agad umiling. Sumimangot siya sa at humalukipkip na parang isang batang galit. “And why, Mommy? I love to ride a boat!” giit niya. “Anak kasi…” Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla kaming tinawag ni Dina na ngayon ay tumatakbo patungo sa amin. Sabay namin siyang nilingon ni Grazer. “Bakit?” nagtatakang tanong ko

