“Daddy, is it too far?” tanong ng anak ko habang nagmamaneho si Gregory. Si Dina ay nakatulog siguro dahil sa haba ng byahe. Ang sabi ni Gregory ay sa Moalboal ang destinasyon namin at doon kami mag-stay ng isang linggo. Hindi pa ako nakapunta roon kaya palinga-linga lang ako sa daan. At nahihiya rin ako kasi nahuli niya akong umiiyak. Hindi ko naman kasi alam na nakatulog ako sa byahe at napanaginipan ko si Tiya Mirasol. “We’re near,” aniya sabay lingon sa akin. “Nakapunta ka na ba rito?” tanong niya sa ‘kin. Umiling ako. “Hindi pa.” “Daddy, you will teach me how to swim?” tanong muli ng anak ko at halos tumayo na mula sa pagkaupo. “Grazer, sit down. Your Dad said we’re almost there,” ani ko at kinurot ko ang kanyang pisngi. Sumimangot ang anak ko at umupo pabalik. Napabuntong

