HINDI pa man nakakalayo sina Bella at Amarah sa may reception area ng may boses ng lalaki na tumawag sa kanya. "Bella, Bella…" Biglang kumabog ang puso ni Bella. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. "Ghad. Bakit ngayon pa?" bulong niya sa sarili. Ngayon niya lang naalala na isa nga pala ang Lacsamana constructions sa mga kasali sa bidding para sa gagawing expansion ng Thomas Global sa Cebu. Huminto siya sa paglalakad noong marinig niyang palapit ng palapit ang boses na tumatawag sa kanya. Mukhang wala siyang pagpipilian kundi ang harapin ito. Ngunit paano ngaba niyang haharapin ang dating kasintahan? Ang unang lalaking minahal niya at iniyakan ng maraming gabi. Ang lalaking kasama sa mga pangarap at plano niya noon na bumuo ng pamilya... Bumitaw sa kamay niya si Amarah at tumakbo sa

