KASALUKUYAN na nasa isang meeting si Lucas kasama ang kasosyo niya sa negosyo na si Rob at tatlong empleyado mula sa marketing department ng Global Pharmacy. Ipinapaliwanag sa kanila kung ano ang magiging marketing strategy ang gagawin para sa mga produkto na pang buntis. Dahil sa topic hindi maiwasan ni Lucas na maalala ang nakababatang kapatid na si Kristen. Noong isang araw lang kasi sa mismong kaarawan nito napag-alaman nila na buntis ito. Siyempre ay galit na galit ang mga magulang nila. Pati narin siya ay hindi maiwasan makaramdam ng disappointment. Minsan man ay hindi nila inakala na mangyayari ito kay Kristen. Matalino ito at laging nakaplano ang isang bagay sa buhay nito bago nito gawin o pasukin. "f**k!" wala sa sariling mura niya ng maalala ang hitsura ng kapatid habang nagsusu

