ANG lakas ng t***k ng puso ni Bella habang dahan-dahan na binubuksan ang pinto ng private roon ni Dwayne sa ospital. Nilingon niya ang matalik na kaibigang si Jenny na kasama niya rin pumasok sa kwarto. Tinanguan siya nito na para bang sinasabi na naroon lang ito para umalalay sa kanya. Habang palapit siya sa natutulog na dating kasintahan ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng habag sa at awa sa nangyari dito. Hindi pa man siya lubusan na nakakalapit sa kama ng magising si Dwyane at magmulat ng mga mata. "B-Babe... Babe!" bakas sa boses nito ang katuwaan ng makita siya. "H-Hey..." nag-aalinlangan na bati dito ni Bella. Kaagad naman na nagpilit na tumayo si Dwayne mula sa pagkakahiga. Mabilis itong inalalayan ni Bella. "Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya." Kaagad

